News Releases

English | Tagalog

Janine, proud Kapamilya sa pagpirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN

November 08, 2023 AT 05:30 PM

Grateful sa tagumpay ng “Dirty Linen”

Muling pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN ang award-winning actress na si Janine Gutierrez sa naganap na “Solid Kapamilya: The Janine Gutierrez Network Contract Signing” event. 

“Sobrang surreal na pumirma na ako ng pangalawang kontrata ko with ABS-CBN kasi dati it was just something that I was looking forward to and now ramdam na ramdam ko talaga na Kapamilya ako kaya sobrang grateful po talaga ako,” saad ni Janine.
 
Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN group CFO Rick Tan, ABS-CBN head of TV production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at talent manager Leo Dominguez.
 
Nagpasalamat naman si Janine sa iba’t ibang papuri na natanggap niya para sa kanyang pagbida sa hit primetime series na “Dirty Linen” na humakot ng mahigit 2.5 billion views sa TikTok.
 
“Grateful ako dahil gustong gusto ko talaga yung role ko sa ‘Dirty Linen’ na medyo may pagka-bida-kontrabida in a way. Gusto ko yung gano’n role na matapang, yung hindi lang susuko kasi syempre kailangan natin ng gano’n inspirasyon,” kwento niya.  
 
Inamin din niya na nakaramdam siya ng pressure na sundan ang tagumpay ng “Dirty Linen” pero inihayag niya na may tiwala siya sa ibibigay na proyekto ng Kapamilya network.
 
“Meron talagang certain pressure yung ‘Dirty Linen’ kasi naramdaman ko talaga na malaking project siya tapos bigatin lahat no’ng mga eksena ko. Luckily, grabe yung guidance ng mga direktor and it was such a fun set so iyon na lang yung iniisip kaysa yung pressure. I’m assured na sa caliber ng mga kwento natin sa ABS-CBN, I look forward to any role na i-offer nila sa akin,” sabi ni Janine.
 
Bukod sa kanyang hindi malilimutan na role bilang Alexa at Mila sa “Dirty Linen,” bumida rin si Janine sa romcom series na “Marry Me, Marry You” kasama si Paulo Avelino at sa iWantTFC series na “Sleep With Me” kasama si Lovi Poe na ipinapalabas na rin ngayon sa Netflix.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE