News Releases

English | Tagalog

Mga programa at mga personalidad ng ABS-CBN, kinilala sa Anak TV Awards

December 12, 2023 AT 12:13 PM

Kathryn, kabilang na sa Anak TV Hall of Fame

 

Pinarangalan ang 33 na programa at personalidad ng ABS-CBN para sa pagtataguyod ng mga temang pampamilya at sa pagiging mabuting huwaran sa mga bata sa Anak TV Awards noong Biyernes (Disyembre 8).

Kabilang sa mga nakatanggap ng Anak TV seal ay ang "ASAP Natin 'To," "The Voice Kids," "Hero City Kids Force" ng iWantTFC," "Parent Experiment" ni YeY, "Team YeY Vlogs" at Knowledge Channel's "AgriKids," "I Love You 1000," "Ready Set Read," "MathDali," "Wikharian," "Knowledge On The Go," "Art Smart," at "Kwentoons" sa television at online categories.

Sa kabilang banda, kinilala rin ang Kapamilya stars na sina Alexa llacad, Amy Perez, Andrea Brillantes, Anne Curtis, Belle Mariano, Daniel Padilla, Donny Pangilinan, Francine Diaz, Jeremy Glinoga, Karylle, KD Estrada, Kim Chiu, Kyle Echarri, Regine Velasquez-Alcasid, Sina Robi Domingo at Seth Fedelin bilang Makabata Stars (television at online categories) para sa pagiging mabuting ehemplo sa mga batang Pilipino.

Big winner din si Kathryn Bernardo dahil tinanghal siyang Hall of Famer dahil sa patuloy na pagboto sa kanya bilang Makabata Star sa loob ng pitong magkakasunod na taon.

Samantala, kabilang ang "It's Showtime," "TV Patrol," at ang "Sineskwela" ng Knowledge Channel sa Household Favorite Programs ngayong taon sa television category.

Ang Anak TV Awards ay ibinibigay ng ANAK TV, isang organisasyong may adbokasiya na nagtataguyod ng literasiya sa telebisyon at nagtataguyod ng mga child-sensitive at family-oriented na mga programa sa Pilipinas. Ang Anak TV Seal ay isang pambansang parangal na ibinibigay sa mga programang ibinoto ng mga magulang, guro, propesyunal sa media at negosyo, gobyerno, media, NGO, sektor ng relihiyon, at kabataan.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.