News Releases

English | Tagalog

Anne, Ryan, at Ogie, inilunsad ang kantang "Let's Pray for Healing"

December 13, 2023 AT 11:22 AM

Mula sa kanilang Magpasikat performance
 
Nagsanib-pwersa ang “It’s Showtime” hosts na sina Anne Curtis-Smith, Ryan Bang, at Ogie Alcasid para sa awiting “Let’s Pray for Healing.”

 
Unang narinig ang upbeat at inspirational song sa bigating Magpasikat 2023 performance nina Anne, Ryan, at Ogie o Team ARO na nasungkit ang second place sa taunang talent showcase ng mga hosts ng “It’s Showtime.”
 
Noong Biyernes (Disyembre 8), inilabas na ito bilang single sa ilalim ng Star Music. Si Ogie mismo ang sumulat nito at siya rin ang nag-areglo katulong naman si Bobby Velasco.
 
Tampok din sa masayang kolaborasyon ang backup vocals mula kina Mike Luis, Suey Medina, Yosha Honasan, Team ARO ng “It’s Showtime,” at Regine Velasquez-Alcasid.
 
Napapakinggan na ang “Let’s Pray for Healing” sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE