News Releases

English | Tagalog

Erik, inilabas ang bagong bersyon ng "All I Want This Christmas" album

December 14, 2023 AT 11:15 AM

Muling binuhay ni pop ballad royalty Erik Santos ang ilang sikat na holiday songs sa deluxe version ng kanyang album na “All I Want This Christmas.”
 
Tampok sa repackaged Christmas album ang iba’t ibang orihinal na awitin at covers tulad ng “Paskong Kayakap Ka (Ballad Version),” “All I Want This Christmas,” “Silent Night/Oh Holy Night,” “Christmas Is,” at marami pang iba.
 
Handog naman ng key track na “Ngayong Pasko 20th Anniversary Version” ang mensahe ng pagbabalik-tanaw sa nakalipas na pag-ibig sa gitna ng selebrasyon ng kapaskuhan. Isinulat at iprinodyus ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
 
Unang nakilala si Erik nang itinanghal siya bilang grand champion ng “Star in a Million” season 1 noong 2003. Nakapaglabas siya ng iba’t ibang platinum-selling albums tulad ng “This Is The Moment” at “Loving You” kung saan sumikat ang awitin na “Pagbigyan Muli” at “I’ll Never Go.” Kinilala rin siya ng iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Awit Awards, FAMAS Awards, at PMPC Star Awards for Music.
 
Noong Oktubre ay ipinagdiwang ng Kapamilya artist ang kanyang 20th anniversary sa sold-out concert na “Milestone” sa Mall of Asia Arena. Nasungkit naman niya ang Best Major Concert (Male) award para sa nasabing event sa 36th Aliw Awards na ginanap noong Lunes (December 11). 
 
Panoorin ang performance video ni Erik para sa awitin na “Paskong Kayakap Ka” at pakinggan ang album na “All I Want This Christmas” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE