News Releases

English | Tagalog

Star-studded ABS-CBN Christmas Special, eere na ngayong weekend

December 16, 2023 AT 06:48 PM

Kathryn at Daniel, sinorpresa ang fans sa Araneta 

 

Muling nagtipon ang mahigit 300 na Kapamilya stars sa Araneta Coliseum sa unang pagkakataon pagkatapos ng pandemia para pasalamatan at magbigay saya sa fans sa “Forever Grateful: The ABS-CBN Christmas Special 2023” na eere na sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC, at TFC ngayong weekend (Dec. 16 & 17). 

Kaabang-abang ang world-class performances mula sa Kapamilya artists pati na ang iba’t ibang nakakatuwang song at dance numbers tampok ang  Star Magic artists, Kapamilya leading ladies, leading men, love teams, at marami pang iba. 

Nagpakitang-gilas din ang cast ng iba't ibang ABS-CBN shows tulad ng "FPJ's Batang Quiapo," "It's Showtime," "Pira-Pirasong Paraiso," "Nag-aapoy na Damdamin," "Can't Buy Me Love," "Senior High," “It’s Your Lucky Day,” at "I Can See Your Voice"

Isa rin sa mga dapat hindi palampasin ng viewers ang sorpresang song at dance performance nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kantang “I’ll Be There for You,” theme song ng hit sitcom na “Friends” na ikinabaliw ng buong Araneta. 

May surprise appearance rin si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na hinarana ang Big Dome ng kantang nagsusumigaw ng ‘Pinoy Pride.’ 

Isa ring exciting highlight mula sa Special ang full force na pagkanta ng lahat ng Kapamilya stars ng ABS-CBN 2023 Christmas Special ID na “Pasko Ang Pinakamagandang Kwento.” 

Huwag palampasin ang isang weekend na puno ng saya at pag-ibig sa panonood ng “Forever Grateful: The ABS-CBN Christmas Special 2023” ngayong Disyembre 16 at Disyembre 17 sa Kapamilya Online Live (YouTube at Facebook), Kapamilya Channel (8:45 p.m. sa Sabado at 8:30 p.m. sa Linggo), A2Z (8:45 p.m. sa Sabado at 8:30 p.m. sa Linggo), iWantTFC, at TFC.  

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.