News Releases

English | Tagalog

The CompanY, inilabas ang sariling bersyon ng awiting "Shout For Joy"

December 18, 2023 AT 08:40 AM

Pinasikat na awitin ni Gary V, binigyan ng tunog Roaring 20s

Binigyang ng bagong timpla ng The CompanY ang sikat na worship single na “Shout For Joy.”
 
“We’ve turned Gary V’s ‘Shout for Joy’ upside down! Welcome to the new roaring 20s!,” sabi ng singing quartet na kinabibilangan nina Moy Ortiz, Annie Quintos, Sweet Plantado, at OJ Mariano.
 
Unang inawit ni Gary Valenciano ang “Shout for Joy” noong 1991 bilang bahagi ng kanyang album. Isinulat niya rin ito habang ang ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo ang nag-prodyus ng panibagong bersyon nito. Hatid ng awitin ang mensahe ng ligaya sa paniniwala sa Diyos.
 
Sa loob ng 38 taon sa industriya, nakilala ang The CompanY bilang isa sa tanyag na musical group ng bansa. Pinasikat nila ang mga awitin na “Everlasting Love,” “Muntik na Kitang Minahal,” at “Now That I Found.” Nakapag-uwi rin sila ng 19 na parangal mula sa Awit Awards at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kanilang musika.
 
Sa unang bahagi ng taon, inilabas nila ang kanilang 29th studio album na “Gitna” na naglalaman ng orihinal at reimagined na bersyon ng mga awitin tulad ng “Ambon,” “Disco Plantito, Disco Plantita,” at “Hideaway.”
 
Pakinggan ang bagong bersyon ng “Shout For Joy” ng The CompanY na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE