News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Christmas Station ID na “Pasko Ang Pinakamagandang Kwento,” itinampok Ang GMA Network, TV5, at A2Z sa makasaysayang music video

December 02, 2023 AT 11:03 PM

Pumalo ng 1M views sa loob ng tatlong oras na mayroong ilang trending topics sa X

 

Ramdam na ng mga netizen ang diwa ng Pasko at pagkakaisa dahil sa Christmas Station ID ng ABS-CBN na “Pasko Ang Pinakamagandang Kwento,” tampok ang GMA Network, TV5, at A2Z sa makasaysayang music video nito na ipinalabas noong Biyernes (Disyembre 1).

Nagpahayag ng tuwa ang netizens dahil pagsama sa mga Kapuso, Kapatid, at A2Z employees sa music video. Nakita rin sa music video ang iba pang partner media companies na Viu, Prime Video, at PIE Channel.

Agad na nag-trending sa X (dating Twitter) ang star-studded music video, na nakakuha ng mahigit 1 milyong views sa Facebook at YouTube, habang pinupuri ng mga netizen ang mensahe ng music video, kung saan ay naka-relate rin sila, tungkol sa iba't ibang kwento at hamon na kinakaharap ng bawat isa sa atin at kung paano tayo pinagbuklod ng pinakamagandang kwento ng ating Pasko. 

“This song centralizes the birth of Jesus and how Christmas is a very great story for everyone. Sa kabila man ng mga challenges, ipadama pa din ang diwa ng Pasko. All the best, ABS-CBN!” sabi ng netizen na si @convowithcharles.

“Pasko Ang Pinakamagandang Kwento” was written by ABS-CBN Creative Communication Management head Robert Labayen, while ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo composed the music.

Inaanyayahan din ang lahat na makiisa sa #KwentongPasko campaign. Ikwento ang iyong pinakamagandang kwento ng Pasko sa TikTok, gamit ang template at musika ng Christmas Station ID, at sa Facebook at Instagram, gamit ang feature na “Add Yours.”

Samantala, available na ang opisyal na lisensyadong “Kwentong Pasko” shirts para sa pre-order sa pamamagitan ng authorized partner ng ABS-CBN na shirtsandprintsph (Facebook, TikTok, Lazada) shirtsandprintsph1207 (Shopee) sa halagang P350.

Panoorin ang “Pasko Ang Pinakamagandang Kwento” music video sa ABS-CBN Entertainment Facebook page and ABS-CBN YouTube Channel.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.