News Releases

English | Tagalog

Pahayag ng ABS-CBN at Star Magic tungkol kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

December 02, 2023 AT 09:05 PM

Nirerespeto at nauunawaan ng ABS-CBN management at Star Magic ang naging desisyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na maghiwalay.
 
Igalang natin ang mga pahayag nila at huwag na nating dagdagan, bigyan ng ibang kahulugan, o gawan ng kwento at fake news. Wala sa kanila ang nagbigay ng interview o bagong statement dahil nasabi na nila ang kanilang saloobin sa kanilang social media accounts.
 
Hiling namin na galangin ang bawat isa sa kanila para makatulong sa kanilang paghilom at pag-move on.
 
Mananatili ang taos-pusong suporta at pagmamahal ng ABS-CBN management at Star Magic kina Kathryn at Daniel.