News Releases

English | Tagalog

Dingdong, ibabalik ang oras para makapiling si Marian sa kanilang comeback movie na 'Rewind'

December 07, 2023 AT 10:04 AM

Star Cinema drops official trailer of 'Rewind;' garners over 16 million views within 24 hours

Catch "Rewind" in the upcoming MMFF 2023, in cinemas nationwide starting December 25

Official trailer nito, tinutukan at pinag-usapan online
 
Mapapanood na simula ngayong Pasko ang inaabangang movie comeback ng premyadong tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa official entry ng Star Cinema para sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) na "Rewind," sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.
 

 
Iikot ang pelikula kay John (Dingdong) na nais ibalik ang inaksayang oras para makabawi sa kanyang asawa na si Mary (Marian) matapos ang aksidenteng kikitil ng kanyang buhay.


 
Sa hindi inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Lods (Pepe Herrera) na tutulong sa kanyang maibalik ang oras para makabawi kay Mary at sa kanilang anak na si Austin (Jordan Lim). Pero, ang lahat ng ito ay may kapalit na paniguradong gugulantang pa lalo sa buhay ni John.

Para kina Dingdong at Marian, labis nilang ikinatuwa na pangunahan ang official entry ng Star Cinema, kaisa ang APT Entertainment at Agosto Dos Pictures. Anila, dream come true sa mag-asawa ang bumida sa pelikulang tulad nito para sa kanilang pagbabalik sa big screen matapos ang ilang taon.

Pinuri rin nina Direk Mae at writer nitong si Enrico Santos ang mag-asawang DongYan, at para sa kanila, talagang binigyang-buhay at bagay sa kanila na gampanan ang mga karakter nina John at Mary

Kasama rin sa cast ng "Rewind" sina Sue Ramirez, Joross Gamboa, Lito Pimentel, Ina Feleo, Ariel Ureta, Pamu Pomerada, Mary Joy Apostol, Via Antonio, Chamyto Aguedan, at Coney Reyes.

Samantala, tumabo rin ng milyon-milyong views ang official trailer nito. Matapos ang trailer drop ay humakot ito ng higit 16 million views sa loob ng 24 oras sa online platforms ng Star Cinema at ABS-CBN.

Abangan sa mga sinehan sa darating na MMFF 2023 ang "Rewind," na ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula December 25.

Para sa ibang updates tungkol sa iba pang Kapamilya films, i-follow ang ABS-CBN Films sa Facebook, X, TikTok, Instagram, at Threads.

Para naman sa ibang balita, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, Instagram, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.