News Releases

English | Tagalog

Pagbati ng bandang The Nomads sa minamahal: "Merry Christmas Wherever You Are"

December 07, 2023 AT 12:18 PM

Hango sa pelikulang nilikha ni Tim Burton na “The Nightmare Before Christmas”
 
May kakaibang handog ang up-and-coming alternative rock band na The Nomads ngayong Pasko sa kanilang awitin na “Merry Christmas Wherever You Are.”
 
Kwento ng Taglish song mula sa DNA Music label ng ABS-CBN ang pagdiriwang ng kapaskuhan na hindi kasama ang minamahal.

 
Ayon sa banda na binubuo nina Yyam Gulfan (lead vocals at guitar) at Enzo Mediavillo (drums), hango ang kanta sa Christmas movie ni Tim Burton na “The Nightmare Before Christmas.” Isinulat ito ni Ed Formosa at prinodyus ni Anghel Ferrer.
 
Sinundan ng “Merry Christmas Wherever You Are” ang mga awiting “Catch Me if You Can” at “Delikado” ng The Nomads na handa nang magpakilala ng kanilang tunog sa larangan ng alternative rock at synth pop music. Ilan sa kanilang inspirasyon sa paggawa ng musika ang IV OF SPADES, twenty one pilots, at iDKHOW.
 
Naging bahagi ang banda ng #OneArellano Campus Tour noong May 2023 kasama ang Silent Sanctuary, Mijon., at The MotherCampers.
  
Pakinggan ang “Merry Christmas Wherever You Are” single ng The Nomads na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang DNA Music sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE