News Releases

English | Tagalog

Makisaya sa fresh performances nina Piolo, Sharon, at pa-birthday ni Pops sa 'ASAP Natin 'To'

December 08, 2023 AT 02:57 PM

Party on with fresh acts from Piolo, Sharon, and Pops' birthday this Sunday on 'ASAP Natin 'To'

Party on with the freshest acts from Piolo Pascual and Sharon Cuneta, plus a birthday treat from Pops Fernandez this Sunday on "ASAP Natin 'To"

Iinit ang dance floor sa triple collab nina Kim, Gab, at Shaina pati ang birthday hatawan nina AC, Krystal, at Sheena

Tuloy-tuloy ang December party, hatid ang mainit-init na sorpresa at selebrasyon mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at guests ngayong Linggo (Disyembre 10) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Abangan ang pagbabalik ng pambansang ultimate heartthrob na si Piolo Pascual, handog ang Ric Segreto classics kantahan kasama sina Martin Nievera at Erik Santos. Hindi rin pahuhuli ang madamdaming kantahan nina Megastar Sharon Cuneta pati OPM divas na sina Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, at Regine Velasquez.

Patuloy rin ang pagarangkada ng holiday countdown, hatid ang pamaskong performances nina Klarisse de Guzman, Jason Dy, Khimo Gumatay, Lyka Estrella, Reiven Umali, Nyoy Volante, Frenchie Dy, Jeremy G, at ng inyong ASAP Kapamilya with Robi Domingo, Edward Barber, at Janine Gutierrez.

Mas totodo rin ang hatawan sa dancefloor, tampok ang triple collab ng dance royalties na sina Kim Chiu, Gab Valenciano, at Shaina Magdayao, pati ang birthday tapatan ng next-gen idols na sina AC Bonifacio, Krystal Brimner, at debutant Sheena Belarmino.

Makisaya rin sa kiddie kantahan nina "It's Showtime" kids Argus, Imogen, Jaze, at Kulot kasama ang Baby Dolls.

Biritan to-the-max ang hatid ng divas showdown nina Jona, Nina, Bituin Escalante, at Sheryn Regis. At abangan ang OPM chart-topper hits kantahan nina Gary V, Zsa Zsa, Martin, Erik, Ogie, Regine, at Angeline Quinto sa "The Greatest Showdown."

Huwag palampasin ang lahat ng ito mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.