News Releases

English | Tagalog

"Magandang Buhay," mapapanood na sa TV5 simula ngayong Lunes

February 02, 2023 AT 12:40 PM


Mas maraming momshies, popshies, at anakshies ang mabibigyan ng saya, inspirasyon, at kaalaman araw-araw ng “Magandang Buhay” sa kanilang pagsama sa morning block ng TV5 simula ngayong Lunes (Peb.6), 9 AM.

 
 

Sa kanilang unang episode, samahan ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na ipagdiwang ang kanyang ika-35 anibersaryo sa industriya kasama ang kanyang ku-momshies na sina Jolina Magdangal-Escueta at Melai Cantiveros. Balikan ang kanyang pinagdaanan kasama ang kanyang idolong si Kuh Ledesma pati na ang bukingan kasama ang iba pa niyang guests.

 

Makakasama naman ng momshies sa Martes (Peb.7) ang real life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Mula sa loveteam hanggang sa real life, alamin ang kanilang pinagdaanan sa nakalipas na anim na taon nilang magkarelasyon.

 

Samantala, makipagkwentuhan kasama ang magkapatid na sina Diego at Max Gutierrez sa Miyerkules (Peb.8). Malalaman na nga sa episode kung boto ba sila kay Paulo Avelino para sa kanilang ate na si Janine Gutierrez habang magbabahagi naman si Kianna Valenciano ng kanyang mga natutunan ngayong mag-isa lang siyang namumuhay sa US.

 

Maki-chika naman sa latest developments ng special bond nina KD Estrada at Alexa Ilacad sa Huwebes (Peb.9) habang bibisita rin ang mga bituin ng “Darna” na sina Jane de Leon at Janella Salvador na ibabahagi rin kung paano sila naging matalik na magkaibigan dahil sa serye sa Biyernes (Peb.10).

 

Samahan nga ang bonding ng momshies mula Lunes hanggang Biyernes 9 AM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

 

Para sa iba pang update, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visitwww.abs-cbn.com/newsroom.