News Releases

English | Tagalog

Vilma, ipagdiriwang ang ika-60 anibersaryo sa "Anim na Dekada nag-iisang Vilma"

February 20, 2023 AT 11:14 AM

Nagbabalik ang nag-iisang “Star for All Seasons” Vilma Santos sa ABS-CBN sa pagdiriwang niya ng ika-60 anibersaryo sa industriya sa two-part special na "Anim na Dekada Nag-Iisang Vilma" na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z ngayong Sabado (Feb.18) at Linggo (Feb.19).

"Nandito ang puso ko. Napakalaki rin ng utang na loob ko sa estasyong ito. Alam na nito ang buong buhay ko. Ang ABS-CBN, pamilya na. Parte na ito ng buhay ko for 60 years. For 60 years, kasama ko ang ABS-CBN,” paliwanag ni Vilma sa isang TV Patrol interview kung bakit sa ABS-CBN niyang pinili na ipalabas ang kanyang anniversary special.

Kasama ang ‘King of Talk’ Boy Abunda, babalikan ni Vilma ang kanyang mga unang taon bilang aktres at ilan sa mga tumatak niyang roles kasama ang pagbida bilang “Trudis Liit” noong 1963.

Makakasama rin niya sa selebrasyon sina Christopher de Leon, Claudine Baretto, at ang kanyang matapat na grupo ng Vilmanians na magkwe-kwento rin ng ilang hindi malilimutang karanasan nila kasama ang aktres. Bukod dito, mas makikilala pa ng manonood sa Vilma sa ilang interviews ng kanyang naging leading man, direktor pati na ang iba pa niyang kaibigan.

Ibabahagi rin ni Vilma ang kanyang buhay ngayon bilang isang pulitiko pati na rin ang iba niyang pinagkaka-abahan tulad ng vlogging. Huwag din palampasin ang espesyal na talkback segment tampok ang ilan sa mga hinahangaang artista at bigating pangalan ng kasalukuyang henerasyon na nakakuha ng inspirasyon at aral sa kanya.

Samahan ang 'Star For All Seasons' sa two-part special ngayong Sabado (Peb.18) at Linggo (Peb.19),8:30 PMsa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV,at A2Z. Mapapanood din ang delayed telecast nito sa TV5 ng 10:30 PM at available din ito on demand sa YouTube ng ABS-CBN Entertainment.