News Releases

English | Tagalog

"Isip Bata" ng "It's Showtime," top trending sa Twitter

February 21, 2023 AT 01:49 PM

Kinagiliwanan at pinanood ng madlang people ang pinakabagong segment na "Isip Bata" ng "It's Showtime" na nagtop trending sa Twitter noong Lunes (Peb.20).

Sa bagong segment, 20 madlang isip bata o adult contestants ang huhulaan ang pulso ng 50 'madlang kids' na sumagot sa nasabing tanong. Gagabayan sila ng mga "Batang Cute-po" na sinaArgus, Kulot, Lucas, at Colynna sasagot din sa mga tanong.

Sa huli, iisa lang ang tatawid sa jackpot round na "Ap-Pair Tayo." Pipili ang contestant ng isang "Batang Cute-po" at dapat magmatch ang tatlo nilang sagot para manalo ng P50,000. Ang bawat match na sagot ay nagkaka-tumbas ng P10,000. Mauunang sumagot ang contestant samantala ang bata naman ay tatanungin pagkatapos.

Sa unang episode, 20 celebrity moms ang naglaro. Nanaig si Moi Bien ngunit isang lang ang na-match niyang sagot. Nakapag-uwi siya ng P20,000 kasama ang P10,000 na napanalunan niya sa unang round.

Umani naman ng papuri ang bagong segment dahil sa maganda nitong set design at bagong format. Nagtrending din ang mga bibong "Batang Cute-po."

Samantala, ipinakilala naman si Darren Espanto bilang hurado ng "Tawag ng Tanghalan" noong Martes (Peb.21).

Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, KapamilyaOnline Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.