News Releases

English | Tagalog

Pagtutulungan nina Richard at Jake, umani ng digit 260,000 views online

February 23, 2023 AT 07:08 PM

Patok sa mga manonood ang mga maaksyong eksena nina Richard Gutierrez, Jake Cuenca, at mga cast member ng "The Iron Heart" kung kaya’t umariba naman ito sa online view na umabot ng 267,376 live concurrent views nitong Miyerkules (Peb.22) na siyang pinakamataas mula noong ito’y ipalabas.
 
Sa nasabing episode, patuloy ang pagtutulungan nina Apollo (Richard Gutierrez) at Eros (Jake Cuenca) sa pagligtas sa buhay ni Bungo (Mitoy Yonting), ama ni Venus (Sue Ramirez).
 
Maging sa totoong buhay nga ay nagiging maganda rin ang samahan nina Richard at Jake bilang magka-trabaho. Ani ni Jake, "Of all the action projects I’ve done in the past, Richard is the easiest person to work with, talaga. Like you get out of a really heavy fight scene, like kunwari mag-fight scene kami ng magdamagan…scratchless, hindi nasasaktan talaga, and I love Chard for that.Si Chard talaga is the epitome of an action star."
 
Sa pagpapatuloy ng kwento, sundan kung ano ang susunod na balak nina Apollo at Eros sa kanilang pagpapabagsak ng Tatsulok. Tuluyan na kayang maging ligtas ang buhay nina Venus at Bungo? Tutukan ang "The Iron Heart," 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.