News Releases

English | Tagalog

Vivoree, ipagtatapat ang damdamin sa bagong single na "Matapang"

February 24, 2023 AT 11:21 AM

Vivoree drops new single "Matapang"

Vivoree confesses her love in new single "Matapang"

Patikim sa mas matapang na bersyon ni Vivoree

Palaban na ang dating “Pinoy Big Brother: Lucky 7” housemate na si Vivoree sa larangan ng pag-ibig at paglalahad ng totoong damdamin sa kanyang bagong single na pinamagatang “Matapang.”
 
“It’s a song about being brave in love. Let’s say may gusto ka sa isang tao or mahal mo yung isang tao, nung una ‘di mo alam kung paano i-express [yung feelings] at takot ka pa. Pero in the long run, you’d have the courage to admit yourself na ‘okay gusto ko itong taong ‘to’,” ani Vivoree. 
 
Si Danielle Balagtas ang sumulat ng kanta na iprinodyus ni Ashley Aunor. Inilabas naman ito sa ilalim ng Star Music.
 
Patikim ito sa kanyang solo EP na nakatakdang ilabas ngayong taon. Dagdag pa niya, ibang Vivoree ang dapat abangan sa kanyang mga bagong awitin.
 
“Yung mga songs ko before and the way I project myself, iba talaga kasi inosenteng Vivoree pa yung nakilala ng mga tao. This time it’s a different version of me, mas matapang at mas may strength na to speak up for herself and her personal experiences,” saad niya.
 
Sa kalagitnaan ng kanyang “PBB” journey, isinulat ni Vivoree ang kanyang unang single na “Kaya Pa” na kanyang inawit habang nasa “PBB” house. Nakipag-collab din siya sa dating Hashtags member na si Charles Kieron para sa kanilang digital album na “CK & Vivoree” na inilabas noong 2019. Nakasama naman niya si Jon Guelas para sa duet version ng “Did I Let You Go” na inilabas noong nakaraang taon.  
 
Bukod sa kanyang music career, bumida rin si Vivoree sa iba’t ibang serye tulad ng IWantTFC series na “Hello Stranger,” “Tara, G!” at “He’s Into Her.”
 
Pakinggan ang awiting “Matapang” ni Vivoree na available na ngayon sa iba’t ibang digital platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa FacebookTwitterInstagramTiktok, at YouTube.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.