News Releases

English | Tagalog

'ASAP Natin 'To,' may bigating 28th anniversary pasabog live ngayong Linggo

February 03, 2023 AT 06:32 PM

'ASAP Natin 'To' brings a grand 28th anniversary treat live this Sunday

It's an all-star anniversary treat you shouldn't miss from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To"

Abangan din ang pagbabalik ni Jona, pati fresh acts nina Sarah G, Shaina, cast ng 'Darna,' at pa-birthday ni Martin
Live na live ang bonggang 28th anniversary pasabog ng longest-running musical variety show sa bansa, hatid ang ilang kaabang-abang na performances mula sa paborito ninyong Kapamilya stars, guest artists, at isang bigating pagbabalik sa ASAP stage ngayong Linggo (Pebrero 5) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Patuloy na kinikilala ang ASAP bilang home of the champions, kaya naman may inihandang bigating biritan sina Asia's Songbird Regine Velasquez kasama sina Angeline Quinto, Erik Santos, Sheryn Regis, Frenchie Dy, Jason Dy, Elha Nympha, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Laine, Khimo Gumatay, JM Yosures, Reiven Umali, at ang pagbabalik ng Fearless Diva, Jona.
 
May "Supahdance" reunion naman sina Shaina Magdayao, Gab Valenciano, at Teacher Georcelle kasabay ang dance hotties na sina Vivoree, Krystal Brimner, Karina Bautista, Jeremy G, Joao Constancia, Jameson Blake, at Edward Barber kasama ang Urban Crew, FCPC Baliktanaw, at G-Force. Hindi rin pahuhuli sa hatawan sina Belle Mariano, AC Bonifacio, at Maris Racal sa kanilang "Clash Dance" face-off.
 
Sa pagdiriwang ng ika-28 na taon na paghahatid ng world-class Pinoy entertainment linggo-linggo, may bonggang pasasalamat ang inyong ASAP family, sa pangunguna nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik, at Regine kasama sina Alexa Ilacad, KD Estrada, Anji Salvacion, Kice Fana, Ann Raniel, Diego Gutierrez, Nyoy Volante, Robi Domingo, at iba pa.
 
Pakatutukan din ang engrandeng P-Pop pasabog ng BINI, BGYO, pati nina Felip, Darren at Bailey May, habang may fresh performance din ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
 
Susundan din nito ng finale treat ng cast ng "Mars Ravelo's Darna," tampok sina Jane de Leon, Janella Salvador, Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia, Paolo Gumabao, LA Santos, Mark Manicad, Kim Rodriguez, Dawn Chang, at Young JV.
 
Makibirit din sa inspirational handog ni Mr. Pure Energy, Gary V.
 
At abangan din ang bigating birthday celebration ni Concert King Martin Nievera kasama sina Gary, Zsa Zsa, Ogie, Regine, Angeline, Erik, Jona, Jed, Jason, Vina Morales, Jolina Magdangal, Nikki Valdez, Lindsay Custodio, at Roselle Nava.
 
Ito ang anniversary treat na hindi niyo dapat ma-miss mula sa longest-running musical variety show sa bansa since 1995, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.