News Releases

English | Tagalog

Lahat ng pelikulang may love, best romcoms, at pinagtagpo pero 'di tinadhana tampok sa iWantTFC

February 03, 2023 AT 01:27 PM

Tampok ang mga sikat na Kapamilya loveteam

Hagalpakan sa kilig at tagos sa pusong mga hugot ang handog nang libre ng iWantTFC ngayong buwan ng pag-ibig tampok ang "Lahat May Love," "Best RomComs,” "Pinagtagpo Pero 'Di Tinadhana," at "Iconic Hugot Lines" na mga palabas.

Lahat ng klaseng kwento ng pag-ibig ang mapagpipilian sa “Lahat May Love” selection sa iWantTFC na siguradong magpapakilig sa mga manonood tampok ang pinakamamahal na love teams tulad ng KathNiel, LizQuen, JaDine, at JoshLia. Nariyan ang mga pelikulang “I Love You, Hater,” “Never Not Love You,” “Everyday I Love You,” “Must Be… Love,” at iba pa. 

Siguardo namang makaka-relate ang viewers kahit anuman ang kalagayan ng kanilang puso sa “Best RomComs” selection tampok ang mga pelikulang “That Thing Called Tadhana,” “Bride For Rent,” “She’s Dating The Gangster,” at “You’re My Boss.”

Para naman sa mga nagmo-move on sa sakit ng pagmamahal, available rin sa iWantTFC simula Pebrero 15 ang special selection na “Pinagtagpo Pero ‘Di Tinadhana” kung saan mapapanood ang mga mapanakit na mga pelikulang “Hello, Love, Goodbye,” “Exes Baggage,” “Between Maybes,” “A Moment in Time," at marami pang iba.  

Mababalik-balikan din ang mga tagos sa pusong mga linya ng Pinoy romance films na minahal at tumatak na sa mga manonood sa “Iconic Hugot Lines” selection na available simula Pebrero 15. Pwedeng i-stream ang mga pelikula tulad ng “One More Chance,” “Paano Na Kaya,” “Barcelona: A Love Untold,” at “The Hows of Us.”

Nagpapakilig din sa iWantTFC ang Thai boys’ love (BL) series na “Never Let Me Go.” Available ang bagong episodes nito kada Martes (English-subbed) ng 9:30 PM (Manila time) at kada Biyernes (Filipino-dubbed) ng 8:30 PM (Manila time).

Samantala, napapanood na sa iWantTFC ang live episodes ng mga patok na primetime teleseryeng “The Iron Heart” at “Dirty Linen,” kabilang din ang “Mars Ravelo’s Darna” kung saan inaabangan na ng fans ang kapanapanabik na finale episode sa Pebrero 10. Pwede ring i-stream nang live ang “FPJ’s Batang Quiapo” simula Pebrero 13. 

Napapanood din sa iWantTFC ang livestreams ng mga programang “It’s Showtime,” “TV Patrol,” at “ASAP Natin ‘To.” 

Simulan na ang movie marathon ngayong buwan ng pag-ibig at i-stream ang mga movie at series na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE