News Releases

English | Tagalog

Himig Handog songwriter na si Jeff Cifra, naglabas ng sariling bersyon ng "Pwede Bang Ako Na Lang Ulit"

February 08, 2023 AT 10:14 AM

Himig Handog songwriter Jeff Cifra releases own version of "Pwede Bang Ako Na Lang Ulit"

Jeff Cifra brings back nostalgia with his version of OPM hit "Pwede Bang Ako Na Lang Ulit"

May apila ng panibagong pagkakataon sa pag-ibig ang dating grand finalist ng “Himig Handog P-Pop Love Songs 2013” na si Jeff Cifra sa remake niya ng awiting “Pwede Bang Ako Na Lang Ulit.”

Isinulat ni Jeff ang nasabing kanta para sa songwriting competition ng ABS-CBN noong 2013 na binigyang buhay ni Bugoy Drillon. May mensahe ito ng pagnanais ng isa pang pagkakataon sa isang nasirang pag-iibigan.

Bukod sa pagiging bokalista ng pop-OPM-novelty group na The Boxers Band, nakilala rin si Jeff bilang vocal arranger, vocal coach, at songwriter ng ilang OPM hits na umarangkada sa iba’t ibang music charts nationwide at ang kanyang mga komposisyon ay may mahigit 40 million combined streams na sa iba’t ibang digital platforms.

Magpaka-senti sa bagong bersyon ng “Pwede Bang Ako Na Lang Ulit” mula sa DNA Music na napapakinggan sa iba’t ibang music platforms at panoorin ang performance video nito sa YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang DNA Music sa FacebookTwitterInstagram, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE