News Releases

English | Tagalog

Baron, guguluhin ang buhay ni Richard sa kanyang pagbabalik sa "The Iron Heart"

March 11, 2023 AT 01:21 PM

Mas marami pang rebelasyon at matitinding action scenes ang dapat abangan ng manonood sa pagbabalik ng karakter ni BaronGeisler na si Janus na magsisilbing tinik sa buhay ni Apollo (Richard Gutierrez) sa hit serye na "The Iron Heart."

 

Ani ni Baron, "Yung character ko po ay mayabang and ambisyoso. Meron akong alam na intel na magagamit ko na ikakasira ng karakter ni Richard. 'Yan ang exciting, sino ang aapihin o guguluhin ni Janus."

 

Labis ngang nasiyahan si Baron nang malaman niyang babalik siya sa serye.

 

"Exciting when I asked our writer Henry (Quitain) kung ano ang gagawin ko pagbalik. Sobrang happy ako sa mangyayari.I don't know what to expect but all I know is I'll do my best. Ang bida rito is the story and we're going to work really hard to entertain the masses and people who are watching." Dagdag pa niya,"I'm looking forward na makipagbakbakan kina Richard and Jake."

 

Bukod naman kay Baron, nasilayan na rin ng manonood ang karakter ni Heaven bilang si Daphne, isa sa mga tumutulong kay Echo (Diether Ocampo) sa pagsu-supply ng ilegal na vape juice sa mga kabataan.

 

Alamin nga kung ano pa ang magiging papel ni Daphne sa buhay ni Apollo ngayong sinisimulan na rin ng agent ang pagpapabagsak kay Echo. Matunugan din kaya niya ang misteryosong pasyente ni Selene na si Janus?

 

Tutukan ang "The Iron Heart," 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.