News Releases

English | Tagalog

Mga palabas ng TeleRadyo, magdadala ng pinakabagong balita sa FYE Channel

March 14, 2023 AT 10:02 AM

Simulan ang inyong umaga kasama si Kabayan live sa Kumu

 

Mapapanood na nang live araw-araw ang ilang news at public service program ng TeleRadyo sa Kumu account ng For Your Entertainment (FYE) Channel.

Maaaring tutukan ng mga manonood ang  news commentary program na “Kabayan” ni Noli de Castro, Lunes hanggang Biyernes simula 8 hanggang 9 a.m. Pagkatapos nito, ipapalabas ang news rundown “On The Spot” nina Tony Velasquez at Karmina Constantino simula 9 hanggang 10:30 ng umaga. Susunod naman rito ang programa sa serbisyo publiko na “Lingkod Kapamilya” kasama sina Bernadette Sembrano at Winnie Cordero simula 10:30 a.m hanggang 12 p.m.

Bukod pa rito, mapapanood ang news talk show na “S.R.O” kasama sina Alvin Elchico at Doris Bigornia tuwing Miyerkules ng gabi simula 8 p.m. hanggang 10 p.m., habang ang financial literacy program na “Diskarte” kasama sina Salve Duplito at May Valle-Ceniza ay live rin tuwing Friday ng hapon simula 4 hanggang 5 p.m.

Samantala, matutunghayan rin ng mga manonood ang latest showbiz chika sa “Kumu Star Ka” kasama si Ahwel Paz tuwing Linngo ng hapon simula 3 hanggang 5 p.m.

Patuloy na pinapalawak ng digital channel ang audience nito sa Kumu at YouTube sa pamamagitan ng mga livestream at video tungkol sa magkakaibang paksa sa edukasyon, current events, entertainment, lifestyle, pagkain, kalusugan, at marami pang iba.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 560,000 followers sa Kumu at halos 300,000 subscriber sa YouTube ang FYE Channel.

Tunghayan ang mga palabas ng TeleRadyo live mula Lunes hanggang Biyernes sa Kumu account ng FYE Channel. Para sa iba pang mga detalye, i-follow ang FYE Channel sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.