News Releases

English | Tagalog

Janella, KZ at Bamboo, may triple birthday pasabog sa 'ASAP Natin 'To'

March 16, 2023 AT 04:14 PM

Catch a triple birthday blowout from Janella, KZ, and Bamboo this Sunday on 'ASAP Natin 'To'

It's celebrations galore this Sunday, featuring a triple birthday bash from Janella and "The Voice Kids" coaches KZ and Bamboo, plus more fresh acts

Abangan din ang fresh treats nina Sarah G, BGYO at BINI, pati ang loveteam kantahan nina DonBelle, LoiNie, at Anji with Kice

Todo-todo ang mga selebrasyon sa ASAP stage, tampok ang triple birthday pasabog nina Janella, KZ, at Bamboo, kilig kantahan kasama ang inyong kinagigiliwang loveteams, at marami pang iba ngayong Linggo (Marso 19) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Magbabaga ang ASAP stage sa solo birthday treat ng Kapamilya leading lady na si Janella Salvador, habang may pa-blowout din na collab sa kanilang kaarawan ang "The Voice Kids" coaches na sina KZ at Bamboo.

Ratsada pa rin ang P-Pop fever sa back-to-back pasabog ng BGYO at BINI kasama sina Donny Pangilinan, Maymay Entrata, at Sheena Belarmino. Hindi rin pahuhuli ang fresh performance ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa "Sarah G Specials."

Patuloy nating ipagdiwang ang National Women's Month sa all-star empowerment act nina Alexa Ilacad, Vivoree, Krystal Brimner, Shanaia Gomez, Lara Maigue, Janine Berdin, Jason Dy, Jeremy G, at ng buong ASAP family kasama si Robi Domingo.

Maki-hataw naman sa "Clash Dance" tapatan nina AC Bonifacio at ang anak ni Sylvia Sanchez at kapatid nina Arjo at Ria na si Gela Atayde. Magpapakilig din ang loveteam kantahan nina Donny at Belle Mariano, Loisa Andalio at Ronnie Alonte, pati nina Anji Salvacion at Kice.

Abangan din ang New Gen Biritan nina Lucas Garcia, Fana, Enzo Almario, Sam Mangubat, Laine, Khimo Gumatay, Ann Raniel, at Bryan Chong kasama sina Kyla at Jolina Magdangal, pati ang Kelly Clarkson hits tapatan nina Jona, Darren, Angeline Quinto, at Asia's Songbird Regine Velasquez.

At huwag palampasin ang bigating exchange hits biritan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine sa "The Greatest Showdown."

Tara at maki-saya na sa all-star celebrations at fresh performances mula sa longest running at award-winning musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.