News Releases

English | Tagalog

Seth, Karina, Criza at HORI7ON, makikipaghulaan sa "I Can See Your Voice"

March 17, 2023 AT 01:17 PM

Swertihin kaya ang ex-"PBB Otso" housemates na sina Seth Fedelin,Karina Bautista, at Criza Taa at HORI7ON ngayong weekend sa "I Can See Your Voice?"

 

Masusubukan sa Sabado (Marso 18) ang teamwork bilang isang grupo nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda sa tamang pagpili ng see-nger sa mga secret songer.

 

Samantala, isang reunion naman ang magaganap sa Linggo (Marso 19) kasama sina Seth, Karina, at Criza. Alamin kung magabayan sila ng tama ng singvestigators para maalis ang lahat ng seen-tunado at matira lamang ang mga see-nger sa huli.

 

Noong Sabado (Marso 11), sinubukan ng mga bida ng "Teen Clash" na sinaAljon Mendoza at Jayda Avanzado na piliin ang see-nger. Hindi man nanalo, masaya pa rin si Aljon at Jayda na makatulong kay Rolen Mae Peñas at sa kanyang pamilya.

 

Samantala,dapat naman nila panoorin kung paano umubra ang galing ng "The Voice Kids" coach na si Martin Nievera at host na si Robi Domingo sa pagpili kay Andrei Subaybay na isang church worker noong Linggo (Marso 12). Maswerte nga si Andrei dahil hindi lang si Martin ang naka-duet niya kundi ang kapwa nitong "TVK" coach na si Bamboo. Bago sumali sa kompetisyon, nagkaroon nga si Andrei ng bipolar disorder. Sa ngayon, mas bumubuti na raw ang kanyang kondisyon at makakatulong pa ang napalanunan niya para patuloy na abutin ang pangarap.

 

Panoorin ang kwelang episodes "I Can See Your Voice" tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, atiWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanoodito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.