News Releases

English | Tagalog

Kathryn, bibida sa Monday Drama ng Cinema One ngayong Women's Month

March 03, 2023 AT 10:51 AM

Kathryn shines on Cinema One's Monday Drama this Women's Month

Celebrate women's month with the excellence of female actresses.

“CinemaNews” ni Bianca, nagbabalik para sa bagong season

Hatid ni Kathryn Bernardo sa Cinema One ngayong Women’s Month ang mga kwento ng iba’t ibang babaeng karakter na talaga namang tumatak sa mga manonood.

Saksihan si Kathryn bilang ang balikbayan na si Tin sa  “Three Words to Forever” (Mar. 6), problematic teenager na si Jackie sa “Crazy Beautiful You” (Mar. 13), masipag na si George sa “The Hows of Us” (Mar. 20), at ang nagbabagong buhay na si Mia sa “Barcelona: A Love Untold” (Mar. 27), na tampok sa Monday Drama block na napapanood tuwing Lunes, 9pm.

Damhin ang girl boss vibes ng iba’t ibang pelikula tulad ng “You’re My Boss” ni Toni Gonzaga (Mar. 5), “Won’t Last a Day Without You” ni Sarah Geronimo (Mar. 12), “How to Be Yours” ni Bea Alonzo (Mar. 19), at “Unofficially Yours” ni Angel Locsin (Mar. 26), na mapapanood sa Romance Central tuwing Linggo, 5pm.

Ipagdiwang ang International Women’s Day (Mar. 8) kasama ang mga pelikulang “Sa’yo Lamang” ni Lorna Tolentino, “Padre de Pamilya” ni Nora Aunor, “Bahay Kubo” ni Maricel Soriano, “Ang Tanging Ina” ni Ai-Ai delas Alas, “And I Love You So” ni Bea Alonzo, “Beauty in a Bottle” ni Angelica Panganiban,  “Everything About Her” ni Vilma Santos, “Love Me Tomorrow” ni Dawn Zulueta, “Dear Other Self” ni Jodi Sta. Maria, “Babe, I Love You” ni Anne Curtis, “Till There Was You” ni Judy Ann Santos, at “Mariposa: Sa Hawla ng Gabi” ni Erich Gonzales.

Mapapanood din ang anniversary special ng Star for All Seasons Vilma Santos na “Anim na Dekada… Nag-iisang Vilma” sa Cinema One ngayong Marso 11 at 18, 7pm.

Samantala, sa unang pasabog ng bagong season ng “CinemaNews,” makakausap ng host nito na si Bianca Gonzalez ang Golden Globe nominee na si Dolly De Leon sa darating na Mar. 10 (Biyernes), 9pm. Mapapanood din ang replay nito sa Sabado tuwing 2pm at sa Linggo tuwing 1am at 10am. Maaari rin panoorin ang interview highlights nito sa Sabado at full interview naman sa Linggo, 4pm na makikita sa Facebook, YouTube, at TikTok ng Cinema One.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 80, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.