News Releases

English | Tagalog

Daniel, tampok sa Romance Central ng Cinema One ngayong Abril

March 31, 2023 AT 12:24 PM

Daniel makes hearts flutter on Cinema One's Romance Central this April

Hit movies of Kim Chiu and Vic Sotto are also airing on Cinema One this April.

Mga pelikula nina Kim at Vic, mapapanood din

Bibida sa Cinema One ngayong Abril ang mga nakakakilig na pelikula ni Daniel Padilla na siguradong magpapatibok sa puso ng mga manonood.

Kilalanin ang iba’t ibang karakter ni Daniel bilang isang matinee idol na si Billy sa “24/7 In Love” (Abr. 2), childhood best friend na si Ivan sa “Must Be Love” (Abr. 9), happy-go-lucky na si Dos sa “Can’t Help Falling in Love” (Abr. 16), medical volunteer na si Kiko sa “Crazy Beautiful You” (Abr. 23), at bad boy heartthrob na si Kenji sa “She’s Dating the Gangster” (Abr. 30) na tampok sa Romance Central block tuwing Linggo, 5pm.

Bukod sa box office hits ni Daniel, tampok din sa Cinema ngayong Abril ang mga pelikula mula sa ‘Chinita Princess’ na si Kim Chiu at ang paboritong ‘Bossing’ ng mga manonood na si Vic Sotto.  \

Iba’t ibang emosyon naman ang dala ni Kim sa kanyang mga pelikula tulad ng “Till My Heartache Ends” (Abr. 17), “Past Tense” (Abr. 18), “Bride For Rent” (Abr. 19), “I’ve Fallen For You (Abr. 20), at “Etiquette For Mistresses” (Abr. 21) na mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Pupunuin naman ng katatawanan ni Vic ang inyong gabi dahil bibida rin sa Cinema One ang ilang pelikula niya tulad ng “Mission Unstapabol: The Don Identity” kasama si Jake Cuenca (Abr. 24), “Ang Tange Kong Pag-ibig” kasama si Maricel Soriano (Abr. 25), “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” kasama si Coco Martin (Abr. 26), “Enteng En Mokong” kasama si Janno Gibbs (Abr. 27), at “Enteng ng Ina Mo” kasama si Ai-Ai delas Alas (Abr. 28) na eere mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 80, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.