News Releases

English | Tagalog

Yassi, Jennica, Jane, at Kim, paiinitin ang dancefloor live ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

March 31, 2023 AT 04:11 PM

Yassi, Jennica, Jane, and Kim slay the dancefloor live this Sunday on 'ASAP Natin 'To'

Catch the fiery dance performances from Yassi, Jennica, Jane, and Kim on the ASAP stage

Abangan din ang pasabog ng ASAP total performers, pati nina Jex de Castro at Jamie Rivera
 
Talagang mas iinit ang ASAP stage sa pagsasama-sama ng paborito ninyong Kapamilya stars at guest artists para maghatid pa ng world-class fresh performances live na live ngayong Linggo (Abril 2) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Abangan ang bigating ASAP comeback ni Yassi Pressman, tampok ang kanyang mainit-init na solo dance treat, na susundan naman ng matinding "Clash Dance" tapatan nina Jennica Garcia at Jane Oineza.
 
Tuloy-tuloy ang dance fever sa "Dance U" session nina Gab Valenciano, Enchong Dee, at ASAP dance royalty Kim Chiu kasama sina Karina Bautista, Krystal Brimner, Vivoree, Jeremy G, Jameson Blake, at Edward Barber.
 
May total performances din na inihanda sina Darren, AC Bonifacio, Maymay Entrata, BINI, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano, habang maantig naman sa inspirational treat ni Jamie Rivera kasama sina Sheena Belarmino, Lara Maigue, Fana, Ann Raniel, JM Yosures, Reiven Umali, Sam Mangubat, Khimo Gumatay, Bryan Chong, Lucas Garcia, at Enzo Almario.
 
Ipagdiwang din natin ang ilang Kapamilya collaborations, tampok ang todo-todong kantahan at sayawan nina Janine Gutierrez, Jayda, Jason Dy, Seth Fedelin, pati ang Wei Feng Taiko Drummers, World of Dance PH winners Electrogroovers, Danssa, Company of Ateneo Dancers, at ang buong ASAP family with Robi Domingo.
 
Maki-jamming din kasama ang The Juans sa kanilang fresh single kantahan na sasabayan din nina Ogie Alcasid, Erik Santos, Jed Madela, at Nyoy Volante.
 
Pakatutukan din ang bigating collab nina Martin Nievera pati singing champions na sina Jona, Jed, Klarisse de Guzman, at "Tawag ng Tanghalan" alumnus and Albion Grand Prix winner Jex de Castro. Magpalamig naman sa senti acoustic kantahan nina Anji Salvacion, Kice, Angela Ken, Janine Berdin, JM de Guzman, Nyoy, at Seth kasama ang OPM divas na sina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez.
 
At sa nalalapit na Semana Santa, maantig sa kantahan nina Gary V., Zsa Zsa, Jona, Darren, Ogie, at Regine sa "The Greatest Showdown."

Tara at sama-sama tayong maki-party sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.