News Releases

English | Tagalog

Coco Martin at cast ng “FPJ’s Batang Quiapo,” pinasaya ang libo-libong fans sa Panagbenga Kapamilya Karavan

March 07, 2023 AT 09:28 AM

Primetime King, nakipagrakrakan sa City of Pines noong Sabado

 

Sinalubong ng napakaraming tao ang Primetime King na si Coco Martin, kasama ang iba pang cast members ng “FPJ’s Batang Quiapo,” sa Panagbenga Kapamilya Karavan sa Baguio City noong Marso 4 (Sabado).

Nakipagrakrakan si Coco sa libo-libong tagahanga na nagtipon sa paligid ng Burnham Park nang kantahin niya ang "Beep Beep" ng Juan De La Cruz band, suot ang signature nitong porma na leather jacket at shades.

Kasama ng lead star ang iba pang mga cast member na sina Smugglaz, Bassilyo, Norvin at Lovely Dela Pena, Ghost Wrecker, Ryan Martin, Jojit Lorenzo, Ronwaldo Martin, Sugar Ray Mammoth, Bigmak, Baby Giant, at Sen. Lito Lapid na nagpasaya sa mga tao sa kanilang nakakatuwang mga sorpresa at pagtatanghal.

Umawit rin para sa mga manonood ang dalawang ABS-CBN Star Music artists na sina Carlo Bautista and Trisha Denise bago ang pangunahing event sa programa.

Ang “FPJ’s Batang Quiapo,” sa pangunguna ni Coco bilang “Tanggol” at Lovi Poe bilang “Mokang,” ay umere noong Pebrero 13. Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa serye dahil nakakuha ito ng 44 milyong views sa unang linggo ng pagpapalabas.

Panoorin ang mga maaksyong eksena ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, TFC IPTV, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Ang Panagbenga Kapamilya Karavan ay pangatlo pa lamang sa mga aabangang caravan ngayong taon na naging posible sa pagsisikap ng ABS-CBN Regional, ABS-CBN Events, Kapamilya Channel Regional, MOR, at A2Z Regional.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.