News Releases

English | Tagalog

Zanjoe nililigawan na si Janine sa "Dirty Linen"

April 11, 2023 AT 03:52 PM

Zanjoe makes out with Janine, seals relationship in "Dirty Linen"

How will the Fieros react once they find out about Mila and Aidan’s secret relationship?

Jennica mabubuking na ng mga pulis?

Tagumpay na si Mila (Janine Gutierrez) sa pagpapaikot niya kay Aidan (Zanjoe Marudo) dahil tuluyan na itong nahumaling sa kanya sa tumitinding mga eksena sa “Dirty Linen,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.  

Handa nang panindigan ni Aidan ang tunay niyang nararamdaman para kay Mila matapos niya itong halikan at nangakong ipaglalaban niya ang kanilang relasyon kahit alam niyang tutol dito ang kanyang pamilya lalo na at kasambahay nila si Mila. 

Pabor naman ito kay Mila dahil matagal na niyang plinano na mahulog si Aidan sa kanya para makapasok siya sa pamilya Fiero para mabunyag kung ano ang kinalaman nila sa biglaang pagkawala ng kanyang ina. 

Pero nanganganib ang relasyon ng dalawa dahil hanggang ngayon, wala silang kamalay-malay, maliban sa nanay ni Aidan na si Leona (Janice de Belen), na matagal nang hiwalay sina Aidan at ex-girlfriend nitong si Sophie (Elisse Joson). Sa oras na lumabas ang katotohanan sa estado ng kanilang relasyon, magiging malaking gulo ito dahil umaasa ang mga Fiero kay Aidan na isara ang isang multi-million business deal kasama ang pamilya ni Sophie. 

Hindi lang si Aidan ang tataya sa ngalan ng pag-ibig dahil handa nang isugal ni Mila ang lahat para lang sa hustisya kaya kailangan na rin niyang mag-doble ingat. Delikado na rin kasi ang sitwasyon ni Mila ngayon dahil may posibilidad na masangkot siya sa kaso ni Lala (Jennica Garcia), ang kaibigan niya na naghihiganti rin sa mga Fiero at kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis.

Ano ang kayang gawin ng mga Fiero kay Mila kapag nalaman nila ang relasyon nito kay Aidan?

Huwag palampasin ang “Dirty Linen” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Dirty Linen.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.