News Releases

English | Tagalog

Anji Salvacion, nag-uumapaw ang confidence sa bagong single na "Paraiso"

April 12, 2023 AT 01:17 PM

Anji Salvacion displays confidence in her new single "Paraiso"

Anji Salvacion empowers listeners in her new single "Paraiso."

Mas matapang na Anji, mapapakinggan na simula ngayong Biyernes
Ibibida ng "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10" big winner na si Anji Salvacion ang kanyang mas matapang at mas kaakit-akit na imahe sa kanyang bagong single na "Paraiso” na mapapakinggan na simula Biyernes (Abr. 14).
 
Dala ng upbeat track na una niyang proyekto sa ilalim ng Tarsier Records ang mensahe ng pagpapahalaga sa self-esteem at pagyakap sa sariling kahulugan ng paraiso. Iprinodyus ng US-based producer na si Exale habang isinulat naman ng singer-songwriter na si Annie Lux ang awitin na tiyak magpapakita ng kakaibang musical style at paglago ni Anji bilang recording artist.
 
“Self-confidence right now is very hard to achieve because everybody in this generation is competing with each other. I just want to remind everyone that it’s not about competing, it’s about going with your own pace and that’s what the song really means to me, embracing one’s self, your body, your beauty, your skin, your everything, your personality, that's what it’s all about,” sabi ni Anji.
 
Ikinuwento rin niya ang kanyang reaksyon nang mapakinggan niya ang awitin sa unang pagkakataon.
 
“Yung pag-record namin sobrang nakakatuwa siya ‘cause when I first heard the song it made me confident about myself, it made me love myself even more so I want everyone to love themselves even more. If you’re hearing this everyone, love yourself,” saad niya.
 
Bukod sa pagiging “singing sweetheart ng Siargao” sa “PBB,” nakilala rin si Anji sa pagsali niya sa unang season ng “Idol Philippines” noong 2019. Mas naipakita naman niya ang talento sa pagkanta nang inilabas niya ang mga awiting "Buo" na naging bahagi ng teleserye na "Marry Me, Marry You," "Keeps on Coming Back" na napakinggan sa IWantTFC series na "Unloving U," at "Don't Be Afraid" na mula sa drama series na "My Sunset Girl."
 
Dagdag pa rito, isinulat rin niya ang anim na awitin ng kanyang debut EP na "Kasingkasing Dalampasigan” na inilabas nitong nakaraang taon. Umani ang key track nito na "Dalampasigan" ng mahigit dalawang milyong stream sa iba't ibang platforms habang pumalo naman sa mahigit 4.5 milyon streams ang kanyang EP sa Spotify.
 
Damhin ang mensahe ng "Paraiso" na mapapakinggan ngayong Biyernes (Abr. 14) sa iba't ibang digital music platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube. Maaari rin sundan ang Star Pop sa kanilang Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE