News Releases

English | Tagalog

Kim Chiu at Gary V., may inihandang engrandeng selebrasyon sa 'ASAP Natin 'To'

April 14, 2023 AT 06:41 PM

Catch the star-studded celebrations from Kim Chiu and Gary V. this Sunday on 'ASAP Natin 'To'

Celebrate the birthday of ASAP's very own Queen of the Dancefloor, Kim Chiu, plus an all-star anniversary treat from Mr. Pure Energy, Gary V.

Abangan din ang performances nina Maris, Janine Gutierrez, HORI7ON, BINI, BGYO, at OPM icons

Todo-todo ang mga selebrasyon sa ASAP stage, tampok ang bigating birthday treat ni Kim Chiu at all-star anniversary celebration ni Gary V., na sasabayan din ng ilan pang performances mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at guests ngayong Linggo (Abril 16) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Abangan ang bonggang birthday blowout ng ASAP dance royalty at Chinita Princess na si Kim Chiu na sasabayan din ng paghataw nina AC Bonifacio, Maymay Entrata, Gab Valenciano, at global pop group na HORI7ON.

Samantala, hindi rin pahuhuli ang pure energy celebration ni Gary Valenciano na magdiriwang ng kanyang ika-40 na taon sa industriya kasama sina Gab Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Jona, Jason Dy, Khimo Gumatay, Klarisse de Guzman, Sheena Belarmino, Sam Concepcion, Darren, AC, Maymay, BINI, BGYO, at A.K.A. Jam's Katrina Velarde, Alyssa Quijano, Monique Lualhati. May mga hatid ding mensahe sina Coco Martin, Donny Pangilinan, Pilita Corrales, Dayanara Torres, at iba pa.

Tuloy-tuloy ang party sa hatid na Pinoy pop bonanza nina Enchong Dee, Jeremy G, Fana, BINI, BGYO, at ang buong ASAP family kasama si Robi Domingo, habang hahataw din sa dancefloor sina Darren, AC, at Maris Racal kasama ang World of Dance PH champions na Company of Ateneo Dancers, Autonomicass, at Histacity Family.

Kaabang-abang din ang divas collab nina Zsa Zsa at Regine kasama ang lead star ng "Dirty Linen" na si Janine Gutierrez.

At huwag palampasin ang pagsasanib-pwersa ng bigating OPM icons sa kanilang Broadway hits medley biritan, sa pangunguna nina Martin Nievera, Robert Seña, Isay Alvarez, Franco Laurel, Jamie Rivera, Bituin Escalante, at Karylle na sasabayan din ng New Gen Birit singers na sina Lara Maigue, JM Yosures, Sam Mangubat, at Enzo Almario.

Tutok na sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.