News Releases

English | Tagalog

Abangan ang birthday celebration ni Regine at collab nina Martin, Ogie, at Janno sa 'ASAP Natin 'To'

April 20, 2023 AT 01:56 PM

Celebrate Regine's birthday, and catch a collab from Martin, Ogie, and Janno this Sunday on 'ASAP Natin 'To'

Another showstopping celebration comes your way with a birthday bash from the Asia's Songbird herself, Regine Velasquez, plus a collab from Martin Nievera, Ogie Alcasid, and Janno Gibbs

May pasabog din sina KZ, Shaina, Maris, Awra, at HORI7ON
 
Damang-dama pa rin ang summer craze sa hatid na nag-iinit na performances mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at guests, tampok ang pa-birthday ni Regine, pati ang collab nina Martin, Ogie, at Janno ngayong Linggo (Abril 23) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Ipagdiwang natin ang kaarawan ng nag-iisang Asia's Songbird na si Regine Velasquez, tampok ang kanyang solo medley performance ng kanyang iconic love hits. Hindi rin pahuhuli ang OPM balladeers na sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Janno Gibbs sa kanilang vocal collab sa ASAP stage.
 
Maki-indak din sa paborito ninyong hottest hits kasama sina Maymay Entrata, Janine Gutierrez, AC Bonifacio, Jayda, Vivoree, Karina Bautista, Krystal Brimner, pop groups na CALISTA at HORI7ON, pati ang buong ASAP family kasama si Robi Domingo. 
 
Fresh na fresh din ang hatid na new single performances nina Janine Berdin, Jeremy G, at Jason Dy, habang makiki-collab din ang Asia's Soul Supreme na si KZ kasama sina Fana at Sheena Belarmino.
 
Aapaw ang energy sa "Clash Dance" tapatan nina Maris Racal at Awra Briguela, pati sa mainit-init na pasabog ni Shaina Magdayao na sasabayan din ng vocals nina Lara Maigue at Allison Tanner.
 
Abangan din ang champions biritan nina Jed Madela, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Jona, JM Yosures, Khimo Gumatay, Sam Mangubat, Reiven Umali, Laine, Sheena, Sheryn Regis, at Katrina Velarde. 
 
At maki-throwback tayo sa '90s love songs kantahan nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Darren, Jona, Ogie, at Regine sa "The Greatest Showdown."

Tara at makisaya sa matinding summer party ng longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.