News Releases

English | Tagalog

"The Iron Heart," nagtala ng panibagong all-time high viewership record

April 24, 2023 AT 02:50 PM

Sing-init na ng panahon ang mga kaganapan sa "The Iron Heart" matapos nilang makapagtala ng panibagong all-time high live concurrent views na 286,140 noong Huwebes (Abril 20).

 

Ayon kay Sue Ramirez, "Sa init ng pagtanggap ng tao sa serye, hindi kami nahihirapan magtrabaho. Very grateful kami sa lahat ng sumusuporta sa amin."

 

Gayundin ang mensahe ni Pepe Herrera na gumaganap bilang Poseidon, isa sa Apollo 5 sa serye. "Very proud kasi maganda yung reception ng tao. Kapag maganda yung reception nila ibig sabihin maganda yung nagagawa namin at nakakarelate sila. Motivated tuloy kami na mas pagandahin pa ang serye, " sey niya.

 

Samantala, nabisto na ni Priam (Albert Martinez) na si Apollo (Richard Gutierrez) ang tiktik matapos itong umalis sa charity ball nang malamang nasa kamay ni Janus (Baron Geisler) ang kanyang pamilya.

 

Abangan kung masasalba ni Apollo ang kanyang pamilya at kung ano ang plano niya ngayong pinaghahanap na siya ni Priam. Alamin din ang mga susunod na balak nina Venus, Juno (Meryll Soriano), Poseidon, at Eros (Jake Cuenca) ngayong nabunyag na ang totoong katauhan ni Apollo.

 

Tutukan ang "The Iron Heart," 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.