News Releases

English | Tagalog

Janine, in love kay Gelo ng BGYO sa "bagay nga tayo pero" music video

April 26, 2023 AT 04:46 PM

Gelo of BGYO is Janine's beloved in "bagay nga tayo pero" music video

Check out Janine's music video for her new single "bagay nga tayo pero."

FANA, Gillian, Reiven, at Jonathan Manalo, bahagi rin ng MV

Isang lovesick na estudyante ang papel ni Janine Berdin na todo inlove kay Gelo ng BGYO sa music video ng kanyang bagong single na “bagay nga tayo pero.”
 
Si Gelo ang gumaganap bilang ang kaklaseng nagpa-ibig kay Janine na sa kasamaang-palad ay hindi parehas ang nararamdaman para sa kanya.
 
Bahagi rin ng music video na may sorpresang twist sina FANA, Gillian Vicencio, Reiven Umali, at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
 
Si Janine mismo ang bumuo ng konsepto ng music video kasama ang Chapters PH na nanguna sa produksyon nito na pinangunahan ni Ken Tan bilang director.
 
Natuwa naman ang netizens sa thrilling concept ng video, sa nakakarelaks na tunog ng bagong awitin, at sa casting ni Gelo bilang napupusuan ni Janine.



“Relaxing ang song pero ang mv, thrilling HAHAHA ang gandaaaa beh Janineeeee nakaka proud. Thank you so much for including BGYO Gelooooo,” ani Kiji B.
 
“OMG! ang dark ng MV and at the same time, ang ganda ng song! Top-notch OPM,” komento naman ni sarcasticpaulo.
 
Inilabas ni Janine ang “bagay nga tayo pero” single noong nakaraang buwan at meron na itong higit sa 265,000 steams sa Spotify sa kasalukuyan.
 
Panoorin sina Janine, Gelo, at iba pang cast sa “bagay nga tayo pero” music video na uploaded na ngayon sa Star music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Music sa FacebookTwitterInstagramTiktok, at YouTube.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagramTiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE