News Releases

English | Tagalog

Star Magic, maraming exciting events ngayong Mayo

April 27, 2023 AT 05:38 PM

Star Magic drops exciting line-up of events this May

Get ready for a May jam-packed with events featuring your favorite Star Magic artists!

Abangan ang LaHot Sexy Bikini Ball, Star MAMAgic Day, 2023 All Star Games, at ang Star Magic Catalogue

Mas sasaya ang fans ng Star Magic artists ngayong Mayo dahil marami silang aabangang mga event na mapapanood nang live sa official Star Magic YouTube channel.

Sa darating na Mayo 4 (Huwebes), mas iinit ang panahon dahil isasagawa ng Star Magic ang kauna-unahang “LaHot Sexy Hot Summer Bikini Ball” kung saan ibibida ng mga artista tulad nina Maymay Entrata, Ria Atayde, Chie Filomeno, Enchong Dee, at Jake Cuenca ang kanilang confidence at bonggang swimsuits sa isang fashion show gawa ng mga sikat na designers sa bansa.

“Just like the Star Magical Prom, this is a first for Star Magic. The aim of this event is to promote body positivity and tell everyone na we can slay in any shape, size and age,” pahayag ni Ria Atayde.

Magkakaroon din ng isang espesyal na tribute para sa celebrity mommies ngayong darating na Mother’s Day sa pamamagitan ng kauna-unahang “Star MAMAgic Day” sa Mayo 10 (Miyerkules).

“This is a special Mother’s Day treat for all Star Magic mamas. As we all know, bukod sa pagiging artista, marami sa amin are also moms, and sometimes it can really be overwhelming,” pagbabahagi ni Elisse Joson.

Ilan sa mga stars na darating kasama ang kanilang mga anak ay sina Jolina Magdangal, Dimples Romana, Vina Morales at Janella Salvador. 

Aarangkada na rin ngayong Mayo 21 (Linggo) ang 2023 All Star Games na talaga namang inaantay ng fans taon-taon.

“Sa All-Star games we promote camaraderie and sportsmanship. Mapapanood ng mga Kapamilya na maglaro at maglaban-laban ang favorite Kapamilya stars nila ng badminton, volleyball and basketball,” pahayag ni Akira ng BGYO.

Muling masisilayan ng mga viewers ang gilas ng mga Star Magic artists tulad nina Daniel Padilla, Donny Pangilinan, at playing coach na si Gerald Anderson sa isports. “May mga surprise performances din na dapat nilang abangan,” dagdag pa ni Akira.

Habang isinasagawa ang mga event na ito, inihahanda na rin ang launch ng limited edition hardcopy portfolio ng “Star Magic Catalogue” sa Hunyo, tampok ang iba’t ibang paboritong stars ng madla.

Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Magic sa FacebookTwitterInstagramTikTok, and YouTube. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE