News Releases

English | Tagalog

Richard at Jake, pinapangakong mas umaatikabong bakbakan ang mapapanood sa "The Iron Heart"

April 05, 2023 AT 11:05 AM

Hindi natitinag at lalong lumalakas ang suporta ng manonood sa "The Iron Heart" sa mataas nitong concurrent views at trending episodes kaya naman malaki ang pasasalamat ng lead stars ng hit action serye na "The Iron Heart" na sina Richard Gutierrez at Jake Cuenca at pinapangako nilang mas titindi pa ang world-class action scenes na mapapanood ng viewers.

 

Kasama ni Richard ang kanilang action direktors na sina Lester Pimentel, Wang Yan Bin pati na ang Team Action 360 para mas lalong mapaganda at maipakita ang high-class fighting scenes ang manonood. "Talagang pinapaganda pa namin lalo ‘yung kuwento, at gagawin pa naming mas maaksyon," sabi niya. 

 

Ang "The Iron Heart" ay isa lang sa mga dekalibreng action series na nagawa nina Direk Lester, Direk Ace at Team Action 360. Nagsilbing action director din si Direk Ace sa international movies tulad ng "Ah Long PTE LTD" at "The Lion Men” habang si Direk Lester naman ang direktor sa movie na “One Good Day.” Naging parte din si direk Ace ng movies na "Godfather Detective,"Ah Boys To Men," at "The Assassins."

 

Manghang-mangha nga si Jake sa mga nakunan nitong actions scenes na dapat daw ay hindi palampasin ng manonood. Aniya,“Buwis buhay and self-sacrifice. Everyone is on the same page na gusto namin galingan until we get this done. Ganun yung mindset namin. I can confidently say na expect world-class action scenes and world-class production. Ito na talaga yung level up,"saad niya.

 

Mahigit 200,000 live concurrent online views ang natatamo ng The Iron Heart gabi-gabi at nakasungkit din ng all-time high concurrent onlineviews na 283,928 views noong Marso 29 (Miyerkules). Samantala, halos gabi-gabi naman nasa trending list ang "The Iron Heart" sa Twitter.

 

Sa pagpapatuloy ng storya, nagpagtatagpi na ng mga karakter nina Richard at Jake na sina Apollo at Eros ang tungkol sa malaking proyekto ni Priam (Albert Martinez) na The Iron Heart sa tulong nina Juno (Meryll Soriano), Venus (Sue Ramirez), at Poseidon (Pepe Herrera).

 

Samantala, nalaman na rin ni Nyx (Sofia Andres) na isang CIB agent si Eros. Tinanggap din niya ang posisyon grupo ni Selene (Dimples Romana) at kumalas sa kanyang best friend.

 

Ano pa kaya ang malalaman nila tungkol sa The Iron Heart project? Paano naman kaya matutulungan ni Nyx si Eros ngayong magka-iba na sila ng grupo?

 

Tutukan ang "The Iron Heart," 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.