News Releases

English | Tagalog

Top nine young artists, ipinakilala sa “The Voice Kids”

May 11, 2023 AT 01:49 PM

Magsisimula na ang botohan para final three ngayong Sabado

 

Mas tumitindi ang kompetisyon sa pagitan ng mga batang mang-aawit dahil nakuha nina Coach KZ, Bamboo, at Martin ang kanilang nangungunang tatlong contenders para sa live semi-finals ngayong weekend sa “The Voice Kids.”

Sa Sing-offs, na nagtapos noong Linggo (Mayo 7), pinili ni coach KZ sina Xai Martinez, Leira Raynes, at Marc Antilion.

Lalaban sa kompetisyon ang all-girl group ng Kamp Kawayan ni Coach Bamboo na sina Princess Canete, Sab Paica, at Shane Bernabe. 

Samantala, pinili ni coach Martin sina Giuliana Chioing, Patricia delos Santos, at Rai Fernandez bilang mga kinatawan ng MarTeam sa live semi-finals.

Simula ngayong Sabado (Mayo 13), bibigyan na ng kapangyarihan ang publiko na pumili ng final three na tutungo sa grand finals.

Para bumoto, gumawa ng account sa pamamagitan ng joinnow.ph/tvk5. Mahigpit na nagpapatupad ang “The Voice Kids” ng isang (1) boto bawat koponan sa isang account lamang.

Sino ang aalis at sino ang mananatili para sa grand finals? Alamin sa “The Voice Kids” lamang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC (weekends simula 7 pm) at TV5 (Saturdays simula 7 pm, Sundays simula 9 pm).

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE