News Releases

English | Tagalog

"Dirty Linen: All Access" kasama sina Janine, Zanjoe, at FranSeth mapapanood sa YouTube

May 12, 2023 AT 12:24 PM

Fiero mansion, ipinasilip!

Makakasama na ng viewers sa isang behind-the-scenes chikahan ang cast ng “Dirty Linen” dahil mapapanood na ang “Dirty Linen: All Access” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel bilang parte ng kanilang “Made for YouTube” shows.

Sa mala-vlog style na mini series, makikipag-bonding sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, at iba pang cast members habang sumasabak sa masasayang challenges at magkukwento rin sila tungkol sa kanilang karanasan bilang parte ng “Dirty Linen.” May bagong episode na mapapanood kada Miyerkules hanggang Hunyo 14. 

Napapanood na ngayon ang unang episode ng “Dirty Linen: All Access” kung saan nagbigay ng tour ang ilang cast members sa loob ng sikat na mansyon ng mga Fiero. Ibinahagi rin nila ang ilang mga trivia sa set ng kanilang serye, ang masasaya nilang kulitan kasama ang kanilang co-stars, at nagre-enact din sila ng ilan sa mga trending na eksena. 

Sa ibang episodes, dadalhin ng mga bida ang viewers sa set ng pinakahuling araw ng kanilang taping at aalamin nila sa kanilang mga kasamahan kung ano-ano ang hindi nila malilimutang karanasan sa serye. 

Mas makikilala rin ng viewers ang cast sa pamamagitan ng iba’t ibang nakakaaliw na challenges tulad ng mukbang challenge, cooking challenge, “guess the ‘mata-mata’” challenge, at ang mystery room challenge, at makaka-bonding din nila ang ilang fans sa mall show.

Mae-enjoy ang “Dirty Linen: All Access” kapag nag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.