News Releases

English | Tagalog

Mga bagong programa ng MOR Entertainment, umaarangkada na sa audio streaming app na ALTO

May 12, 2023 AT 12:08 PM

MOR Entertainment rolls out new shows on latest audio streaming app ALTO

"Dyis Is It,” “MOR Presents,” and “MOR Rewind” are streaming live every weekend on ABS-CBN's new all-in-one app ALTO.

“Dyis Is It,” “MOR Presents,” at “MOR Rewind,” hatid ang musika at saya tuwing weekend

Tuloy-tuloy ang MOR Entertainment (MORe) sa paghahatid ng saya at inspirasyon sa mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa paghahatid nito ng mga programa sa bagong all-in-one app ng ABS-CBN na ALTO.

Tuwing Sabado, eksklusibong napapakinggan sa ALTO ang tatlong bagong programa ng MORe: ang “Dyis Is It: The MOR Weekly Top 10” ni Jacky G (11am), “MOR Presents” ni David Bang (12nn) tampok ang mga paboritong artists at patok nilang awitin, at “MOR Rewind” (3pm) na nagbibida ng classic hits kasama si DJ Popoy.

Nagpapatuloy rin sa ALTO ang pagbabalik-tanaw sa masasayang alaala ng mga nagdaang dekada sa “MOR Rewind” kasama naman si Chinapaps tuwing Linggo (3pm).

Isang audio livestreaming app ang ALTO na binuo ng ABS-CBN kung saan pwedeng mapakinggan nang live ang iba’t ibang programa patungkol sa balita, impormasyon, at musika. Bukod sa mga kwelang MORe program, napapakinggan na rito ang mga programa ng Teleradyo, MYX Radio, at MYX P-Pop Radio.

Maaari ring pakinggan dito ang iba’t ibang ABS-CBN podcasts kasama na ang patok na patok sa mga tagapakinig na “Dear MOR: The Podcast.” May access din ang ALTO users sa news articles at featured videos ng ABS-CBN News, ABS-CBN Entertainment, Push, Metro.Style, at iba pa.

Tutukan ang MORe programs at iba pang handog ng ABS-CBN sa ALTO app na pwedeng i-download nang libre mula sa Google Play at App Store. Bukod sa Alto, nasa YouTube at Facebook (MORe – ManilaMORe – LuzonMORe Visayas, at MORe Mindanao) din ang mga kwelang program ng MORe. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE