News Releases

English | Tagalog

Sino ang hihirangin bilang “The Voice Kids” Season 5 Grand Champion?

May 17, 2023 AT 07:52 AM

Final three maglalaban-laban para sa championship ngayong weekend

 

Nalalapit na ang pagtatapos ng “The Voice Kids” nang ipakilala na ang final three young artists na sina Shane Bernabe, Xai Martinez at Rai Fernandez na maglalaban-laban sa matinding kantahan sa grand finals ngayong weekend (Mayo 20 at 21).

Nakatakdang kumatawan sina Shane, Xai, at Rai sa Kamp Kawayan ni Bamboo, sa Team Supreme ni KZ, at sa MarTeam ni Martin.

Nakakuha ng three-chair turn ang "Kiddie Pop Rockstar" na si Shane noong blind auditions dahil sa kanyang rendition ng "Dukha." Napahanga rin ng "Enchanting Siren" na si Xai ang mga coach dahil sa kanyang mala-anghel na boses noong battle rounds. Samantala, pinabilib ng “Emotional Balladeer” na si Rai ang mga manonood nang maluha-luha niyang inawit ang “Ikaw Ay Ako” noong sing-offs.

May kapangyarihan ang mga manonood na pumili ng grand champion sa pamamagitan ng pagboto sa joinnow.ph/tvk5. Mahigpit na nagpapatupad ang “The Voice Kids” ng isang (1) boto sa isang account lamang.

Sino ang magiging grand champion ngayong season? Alamin sa “The Voice Kids” lamang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC (weekends simula 7 pm) at TV5 (Saturdays simula 7 pm, Sundays simula 9 pm).

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE