News Releases

English | Tagalog

Regine, Melai, at Jolina, may pasabog sa ika-pitong anibersaryo sa "Magandang Buhay"

May 26, 2023 AT 10:48 AM

Patuloy ang misyon ng "Magandang Buhay" na ipaalala ang kagandahan ng buhay kasabay ng pagbibigay aliw at aral nito sa momshies, popshies, at anakshies sa pagdiriwang nito ng ika-pitong anibersaryo ngayong Mayo 29 at 30. 

Paniguradong magiging happy 'to na anibersaryo dahil makakasama nina Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal ang Phenomenal Unkabogable star na si Vice Ganda. 

Sa kauna-unahang pagkakataon, mag-oopen up si Vice sa momshies tungkol sa kanyang buhay at love life. 

Ikwe-kwento rin niya ang kanyang pagkakaroon ng bagong titulong “Your Memejesty, Queen VG,"  na siyang pangalan din ng kanyang inaabangang concert sa darating na June 2.


Makakasama rin niya ang mga 'Batang Cute-Po' ng "It's Showtime at ilan sa malalapit na minamahal ni Vice. 

Bukod naman kay Vice, marami rin surprise guests ang makikisaya sa anibersaryo ng "Magandang Buhay."

Huwag palampasin ang "HA-PITO! The Magandang Buhay 7th Anniversary Special Celebration" sa darating na Mayo 29 at sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, iWantTFC, at TFC.