News Releases

English | Tagalog

Primetime shows ng ABS-CBN, nagtala ng bagong online record sa loob ng isang gabi

May 31, 2023 AT 12:58 PM

Winasak ang viewership record sa Kapamilya Online Live

Nagtala ng panibagong all-time high online viewership record ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN sa loob lamang ng isang gabi noong Martes (Mayo 30) para sa Kapamilya Online Live sa YouTube. 

Back-to-back ang record-breaking nights ng “FPJ’s Batang Quiapo” na nakakuha ng 408,614 live concurrent views. Isang makapigil-hiningang episode ang nasaksihan ng mga manonood matapos mamatay ni Greg (RK Bagatsing) sa salpukan laban sa grupo ni Tanggol (Coco Martin).

Tinutukan din ng viewers ang patuloy na misyon ni Apollo (Richard Gutierrez) sa “The Iron Heart” sa pagpapabagsak niya sa Tatsulok kaya naman nakamit nito ang panibagong all-time high live concurrent views na 304,208. Mas magiging kaabang-abang ang susunod na eksena ngayong napasabog na ni Adonis (Ryan Eigenmann) ang hideout ni Apollo at nalaman din ni Priam (Albert Martinez) na agent din si Eros (Jake Cuenca). 

Panibagong online record din ang nakamit ng “Dirty Linen” na may 149,410 live concurrent views. Lalong umiigting ang mga rebelasyon sa serye dahil nanganganib na mabisto ang paghihiganti ni Mila (Janine Gutierrez) ngayon na bantay-sarado ang pamilya Fiero sa mga pulis matapos ang pagkamatay ni Carlos (John Arcilla). 

Mula Pebrero hanggang Abril 2023, nagtala ng higit 642 milyong total views ang tatlong Kapamilya primetime shows sa Kapamilya Online Live. 

Tumuloy na sa online tahanan ng ABS-CBN shows, ang Kapamilya Online Live, at mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at i-like ang Facebook page. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.