News Releases

English | Tagalog

SKY, makikipag-baranggayan para paigtingin ang kampanya nitong 'Oplan Kontra Putol' sa Metro Manila

May 05, 2023 AT 09:44 AM

SKY intensifies 'Oplan Kontra Putol' campaign with barangay roadshows across Metro Manila

The upcoming Kontra Putol Barangayan roadshow is SKY's grassroots initiative to educate the public about cable cutting

Unang dadayo sa hotspot area na Muntinlupa City simula Mayo 9

Sa patuloy na laban kontra sa iligal na pagpuputol at pagnanakaw ng mga kable ng cable TV at internet, magsasagawa ang SKY ng malawakang barangayan roadshow event sa Metro Manila para magbigay kaalaman ukol dito. Bahagi pa rin ito ng mas pinaigting na kampanyang "Oplan Kontra Putol."

Sa event nitong "#OplanKontraPutol Barangayan: Sama-sama Laban sa Putol-Kable," makikipag-ugnayan ang SKY sa mga kawani ng barangay at local government units (LGUs) sa iba't ibang siyudad sa NCR upang mabigyang-linaw ang usapin patungkol sa illegal cable cutting at kung paano ito lubos na makaaapekto sa serbisyo sa pamilyang Pilipino.

Ilan sa tatalakayin ang pagkakaiba ng intentional at accidental cable cutting, ang pag-aakalang may lamang tanso ang mga kable ng fiber internet, at mga batas kontra sa krimeng ito—kabilang ang RA 10515 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013) at ang Revised Penal Code.

Magmula Enero 2022, mahigit 472 na kaso na ang naitala ng SKY at ng iba pang telco sa Mega Manila at sa Cebu.

Kaya naman simula Mayo 9 (Martes), tutungo ang SKY sa isa sa hotspot areas ng Metro Manila kung saan talamak ang krimeng ito, ang Muntinlupa City, 10 AM sa Muntinlupa Sports Center. Matapos nito, dadayo rin ang SKY sa San Juan City sa Mayo 22 (Lunes).

Maliban sa mga diskusyon patungkol sa iligal na pagpuputol at pagnanakaw ng mga kable, ibabahagi rin ng SKY ang five-step procedure nito upang agad na maaksyunan ang mga insidenteng ito.

Patuloy pa ring hinihikayat ang publiko na i-report ang mga kaso ng illegal cable cutting sa www.mysky.com.ph/kontraputol o i-message ang 24/7 messaging platform nitong si KYLA sa Viber (mysky.com.ph/kylaofsky), Facebook Messenger (m.me/myskyupdates), at sa SKY official website (mysky.com.ph/message-us).

Para naman sa mga taga Mega Manila, available pa rin ang SKY security hotline na +63 2 34499111 para sa agarang pag-report ng mga insidenteng ukol dito.