News Releases

English | Tagalog

Marina Summers, papainitin ang dance floor sa bagong single na "ride 4 me"

May 08, 2023 AT 02:13 PM

Marina Summers takes on a sulty adventure with "ride 4 me"

Marina Summers makes her fiery comeback with "ride 4 me."

Init ng damdamin ni Marina, tampok sa bagong kanta

Panibagong R&B dance anthem ang hatid ng internationally renowned drag queen at “Drag Race Philippines” first runner-up na si Marina Summers sa kanyang bagong single na “ride 4 me."

Ibinibida ni Marina ang init ng damdamin para sa taong minamahal habang inanyayahan itong samahan siya sa kanyang paglalakbay sa “ride 4 me.” Sa tulong ni Alfonso Bassig na nakasama niyang sumulat ng kanta, nais ni Marina na magbigay inspirasyon sa mga tao lalo na sa LGBTQIA+ community na unawain at ipagmalaki ang kanilang sekswalidad. Ito ang ikalawang single ni Marina sa ilalim ng Tarsier Records.

Mula sa air element concept ng “Divine,” nag-aalab naman ngayon si Marina sa kanyang “ride 4 me” music video kung saan ipinakita niya ang kanyang talento sa pagsayaw.

Bukod sa pagiging isa sa mga bituin ng “Drag Race PH,” nakilala rin si Marina sa kanyang tropical bombshell look, nakamamanghang dance performance, at nakakaindak na musika. Hangad niya rin na mabigyang representasyon ang drag at queer talent sa mas malawak na audience.

Noong nakaraang taon, inilabas ni Marina ang kanyang single na “Divine” na umani ng mahigit 10,000 streams sa loob ng isang araw. Sa kasalukuyan, mayroon itong mahigit 70,000 stream sa Spotify. Samantala, tampok naman ang “ride 4 me” sa Spotify Fresh Finds Philippines playlist.

Dagdag pa rito, mapapanood din si Marina sa nalalapit na RuPaul’s DragCon ngayong May 13 na gaganapin sa Los Angeles, California kung saan makakasama niya sa entablado ang season 15 winner ng “RuPaul’s Drag Race” na si Sasha Colby.

Napapakinggan ang “ride 4 me” sa iba’t ibang music streaming platforms at napapanood na rin ang music video nito sa Tarsier Records Youtube channel. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE