News Releases

English | Tagalog

Dating "TNT" contestants, magsasanib-pwersa sa "Tawag ng Tanghalan Duets"

May 09, 2023 AT 09:38 AM

Dobleng pwersa at pangmalakasang bosesan ang maririnig ng madlang people sa pagkakapit-bisig ng mga dating contestant ng "TNT" sa bagong segment ng "It's Showtime" na "Tawag ng Tanghalan Duets."

 

Sa bagong bihis ng pambansang entablado ng bayan, kailangan magtulungan ng duets para mapabilib ang mga hurado.

 

Nitong Lunes, nanaig ang boses ng 'Enharmonic' na sina Ryan Sabacco at Randolph Bundoc matapos nilang makakuha ng 91% mula sa hurados. Babalik sila sa Sabado para sa weekly finals ng programa.

 

Bukod naman sa "TNT Duets," nagpasiklab din ang bagong grupo ng kababaihan na makakasama ng madlang people tuwing tanghali na "Baby Dolls."

 

Pinangungunahan ito ng grand winner ng Girl on Fire na si Mary Delle Cascabel at makakasama niya rito ang kapwa contestants niya na sina Chole Florendo, Kim Dueñas, Ina Ortega, Eriel Reyes, Arianne dela Cruz, Jelai Ahamil, at Showtime Sexy Babe contestants na sina Juby Sabino at Johaira Moris.

 

Panoorin ang “It’s Showtime,” 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel,TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" tuwing 11:45 AM sa Kapamilya Online Live.

 

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.