News Releases

English | Tagalog

Pagbabalik ng "Everybody, Sing!" ni Vice Ganda, handog ang pinalaking papremyo na P2 milyon

June 01, 2023 AT 07:58 PM

Vice Ganda's "Everybody, Sing!" returns with bigger two million jackpot prize

Weekend family time will be filled with more singing and laughter as well since season three of the country’s first community singing game show will now have 100 players who will work together to win the P2 million jackpot.

Mas maraming players at celebrity guests simula ngayong weekend 
 

Mas kapanapanabik ang magiging kantahan ng mga player mula sa iba’t ibang komunidad o ‘songbayanan’ sa pagbabalik ng “Everybody, Sing!” ni Vice Ganda dahil ginawang higit sa P2 milyon ang jackpot prize simula ngayong weekend (Hunyo 3 at 4). 

Tiyak din na aapaw ang kantahan at kasiyahan tuwing weekend family time dahil magkakaroon na ito ng 100 players na magbabayanihan upang makuha ang premyo. 

Noong nakaraang season ng unang community singing game show ng bansa, napanood ng mga viewer ang pagtutulungan ng 50 players upang mapanalunan ang P1 milyon na jackpot prize. Ilan sa mga nagwaging ‘songbayanan’ ay ang mga bartender, gas station worker, at bank employee. 

Sa isang panayam sa “Magandang Buhay,” binigyang-diin ni Vice ang kahalagahan ng family time. Aniya, makabuluhan para sa kanya ang pag-uusap nila ng kanyang inang si Rosario tuwing gabi. 

“Every night tumatawag talaga siya, every night nag-uusap kami sa telepono. Bago siya matulog kailangan makita ko muna ‘yung mukha niyang walang pustiso. Kaligayahan ko ‘yun eh tsaka ‘yan ‘yung mukhang gusto kong nakikita every night. ‘Pag tumawag ka, ang laking awas ‘nun sa nararamdaman ko,” sabi ni Vice. 

Samantala, dapat pa rin abangan ang mga kabogerang outfit ni Vice sa pangatlong season ng “Everybody, Sing!” na hinuhugot ang inspirasyon batay sa hanapbuhay ng tampok na ‘songbayanan.’ Unang sasalang ngayong weekend ang 'songbayanan' ng mga police officer.

Magkakaroon na rin ng celebrity guests kada weekend na kakanta kasama ang bandang Six-Part Invention. Ngayong weekend, unang sasalang si “The Voice Kids Season 5” coach KZ Tandingan at ang mga komedyanteng sina Divine Tetay at Petite. 

Makuha kaya ng unang ‘songbayanan’ ang  jackpot prize? Abangan ‘yan sa “Everybody, Sing!”tuwing alas 7 ng gabi kada weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and TV5. Available rin ito sa iWantTFC at TFC. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE