News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Current Affairs, balik ere sa bagong show na “Tao Po” ni Bernadette Sembrano

June 14, 2023 AT 10:01 PM

“TV Patrol Weekend,” mapapanood sa mas maagang oras ngayong Sabado at Linggo

 

Magbabalik sa ere ang ABS-CBN Current Affairs sa bago nitong magazine program na “Tao Po,” sa pangunguna ng award-winning journalist na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo, na nakatakdang ipalabas mula 6:15 p.m. tuwing Linggo simula June 18.

Itatampok ng “Tao Po” ang mga kuwento mula kay Kabayan Noli de Castro at mga correspondent ng “Patrol ng Pilipino” na may iba’t ibang paksa mula sa maiinit na isyu, nakaka-inspire na kwento, trending topics, profiles, at entertainment.

Layon ng palabas na bumuo ng mga koneksyon ng tao na may mga unibersal na tema ng pag-asa at pakikiramay na sumasalamin sa lahat anuman ang edad, kasarian at pagkakaiba sa kultura.

Samantala, mapapanood na sa mas maagang oras ang balita dahil inilipat sa bagong timeslot ang weekend flagship program ng ABS-CBN News na “TV Patrol Weekend” sa bagong timeslot na 5:30 p.m. hanggang 6:15 p.m simula ngayong Sabado at Linggo.

Available ang “TV Patrol Weekend,” kasama sina Alvin Elchico at Zen Hernandez, sa cable, satellite, at free-to-air television sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, TeleRadyo, ANC, at A2Z. Maaari din itong mapanood online sa pamamagitan ng ABS-CBN News YouTube channel, ABS-CBN Facebook page, Kapamilya Online Live, ABS-CBN News website, at iWantTFC.

Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE