News Releases

English | Tagalog

Angela Ken, naglabas ng awiting "Dambana"

June 16, 2023 AT 01:26 PM

Angela Ken introduces bride-inspired song "Dambana"

"Dambana" MV starring Kiara Takahashi and Kerwin King premieres on June 16 at 6pm on Star Music YouTube channel.

Kerwin King at Kiara Takahashi tampok sa music video ng kanta

Kwento ng babaeng ikakasal ang nakalahad sa bagong lunsad na awitin ng singer-songwriter na si Angela Ken na pinamagatang “Dambana.” 

“It was actually just an unexpected song na nagawa ko kasi naisipan kong gumawa ng brides version ng ‘Pasilyo,’” ani Angela na binanggit ang awitin ng bandang SunKissed Lola na tungkol naman sa damdamin ng isang lalaking ikakasal.

Si Angela mismo ang sumulat ng sentimental ballad na “Dambana” na hatid ang ligaya ng isang nagmamahal. Iprinodyus ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at inilabas ng Star Music.

“Ang message lang ng ‘Dambana’ is you know, besides marriage, ang sarap magmahal. Kahit sino, kahit ano ka pa. Masarap magmahal lalo na pag sigurado ka dun sa tao,” dagdag ni Angela.  

Kasunod ng paglabas ng kanta ang paglunsad ng music video nito na pinagbibidahan nina Kerwin King at Kiara Takahashi ngayong Biyernes (Hunyo 16), 6pm sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.

Patikim pa lang ang “Dambana” sa bagong ‘era’ ni Angela bilang unang kanta sa ilalim ng “Para sa Generation EX.” 

Pakinggan ang awiting “Dambana” ni Angela Ken na available na ngayon sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE