News Releases

English | Tagalog

Bryan Chong, malungkot ang puso sa "Cut Into Pieces"

June 16, 2023 AT 04:31 PM

Bryan Chong looks back on past heartbreak in "Cut Into Pieces"

Bryan Chong reminisces his past love in "Cut Into Pieces."

Bagong break up anthem mula sa dating “Idol PH” season 2 contestant

Binalikan ng dating "Idol Philippines" season 2 contestant na si Bryan Chong ang sakit na dala ng nakalipas na relasyon sa bagong awitin na "Cut Into Pieces."

“‘Cut Into Pieces’ is about regrets, a past full of unanswered questions. It's about admitting your faults and accepting the fact that you cannot do anything to fix it, a dead end. Kahit gaano mo pa kagustong maibalik yung dati mananatiling alaala na lang ang lahat,” saad niya.

Kwento pa ni Bryan, nagustuhan niya agad ang awitin noong una niya itong napakinggan at nakilala niya rin ang istilo ng pagsulat ng kanta ng kapwa Kapamilya artist na si Jeremy G.

“Isa ‘to sa mga songs na may naramdaman ako after kong pakinggan, the melody, the lyrics, yung emotion sa demo song. It's funny nung napakinggan ko yung ‘Cut Into Pieces’ tinanong ko agad kung sino sumulat kasi naririnig ko yung signature nung composer tapos nung sinabi nila kung sino, hindi ako nagkamali, si Jeremy G nga,” kwento niya. “Kaya mas pinaglaban ko yung song kasi noon magkalaban lang kami sa competition ngayon we're working together na.”

Ang “Cut Into Pieces” ay iprinodyus ni Star Pop label head Rox Santos.

Unang nakilala si Bryan nang sumali siya sa first season ng "The Voice Teens" kung saan naging coach niya si Sarah Geronimo. Muli siyang sumabak sa singing competition nang makasali siya sa "Idol Philippines" season 2 at naging isa sa grand finalists nito noong nakaraang taon. Inilabas naman niya ang awitin na “Mag-iisa” noong Pebrero na naging unang single niya sa ilalim ng Star Pop. Ilan sa kanyang role models ay sina Sam Smith, Sarah Geronimo, KZ Tandingan, at Harry Styles.

Pakinggan ang bagong single ni Bryan na "Cut Into Pieces" na available sa iba't ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE