News Releases

English | Tagalog

Maymay, Janine, Moira, Ben&Ben, at iba pang global acts, sanib-pwersa para sa pagbabalik ng 1MX music fest sa London

June 19, 2023 AT 09:02 AM

Global Pinoy music fest 1MX returns to London with sought-after local and international acts

This event is brought to you by ABS-CBN Global and The Filipino Channel (TFC)

Hatid ng ABS-CBN Global at The Filipino Channel

Magsasanib-pwersa sina Maymay Entrata, Janine Berdin, Moira dela Torre, Ben&Ben, at ilang international acts para maghatid saya sa Pilipino abroad sa pagbabalik ng bigating global Pinoy music festival na 1MX ngayong Hulyo na gaganapin muli sa London, UK.

Aabangan ang pag-awra sa 1MX London stage ni Maymay, hatid ang kanyang hottest singles na "Amakabogera" at "Autodeadma," habang lararga rin si Janine, na kilala sa Billboard PH chart-topping hit na "Mahika."

Hindi rin pahuhuli ang trending Pinoy acts, tulad ng Most Streamed Filipina Artist at Queen of Hugot Songs na si Moira dela Torre, pati ang award-winning folk-pop band na Ben&Ben.

Maliban sa bigating OPM artist lineup, sasabayan din sila ng kinagigiliwang international acts, tampok ang Malaysian R&B singer na si Yuna, UK-based Pinay DJ Clara Rosa, at ang three-time MTV European Music Awards' Best Canadian Act na si Johnny Orlando.

Hatid ng ABS-CBN Global at The Filipino Channel (TFC), unang nasaksihan ang 1MX bilang back-to-back global concert sa Dubai at Manila noong 2021, na sunod namang idinaos sa Abu Dhabi, Singapore, at London.

Ngayong balik-London ang 1MX experience, dadayo naman ito sa bago nitong outdoor venue na Dockyards sa East London Royal Docks ngayong Hulyo 8 (Sabado), mula 12 ng tanghali hanggang 10 PM (UK time).

Saad ng ABS-CBN Global head of events na si Joseph Arnie Garcia, dapat abangan ng mga Kapamilya sa UK ang hatid na concert experience ng 1MX, tampok muli ang bigating OPM at international artists, pati ilang aktibidad na bida ang Philippine-fusion culture.

Aniya, "Our format is straightforward: exciting established and emerging Filipino artists mixed with equally exciting established and emerging international acts. Combine this clear talent showcase with the local cultural offerings of food, and drinks, you'll have a guaranteed memorable music experience."

Para sa mga Kapamilya sa London, mabibili na ang tickets nito sa www.seetickets.com

Bisitahin din ang mytfc.com o i-follow ang TFC sa Facebook (fb.com/KapamilyaTFC), Twitter, and Instagram (@kapamilyatfc) para sa ibang 1MX London updates.

Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.