News Releases

English | Tagalog

“Cattleya Killer” nangungunang serye sa Prime Video Philippines

June 02, 2023 AT 04:50 PM

Netizens, todo puri sa kwento at cast

 

Nakuha ng psychological thriller series ng ABS-CBN International Production na “Cattleya Killer,” na pinagbibidahan ni Arjo Atayde, ang top spot sa Prime Video Philippines ng Amazon, noong ipinilabas ito noong Huwebes (Hunyo 1).

Mabilis na bumaling ang mga netizens sa Twitter para purihin ang kabuuang produksyo ng "Cattleya Killer.”

“#CattleyaKiller series is really good. Ang sakit sa ulo mag-isip kung ano talaga yung plot. Ang ganda ng cinematography niya, parang movie lagi kada episode. Sana may season 2 @ABSCBN. Ang galing ni Arjo at ng lahat ng casts. Walang tapon!” sabi ni Twitter user @kingjohnray.

“Grabeehh! Natapos ko na lahat nang episodes. Totoo, unpredictable hanggang sa dulo. Solid casting and plot!” komento naman ni @JoshAneReunited.

Ibinahagi ni Arjo, na gumanap bilang Anton dela Rosa, isang pulis, sa isang panayam sa “TV Patrol” ang kanyang excitement para sa premiere.

“This was made more than a year ago, so definitely we are excited as everyone,” pahayag ni Arjo.

Samantala, sinabi ni Ria Atayde, na gumanap bilang isang mamamahayag na nasangkot sa kaso, na sabik siyang malaman ang feedback ng mga manonood sa "Cattleya Killer."

“Sobrang nakakakilig that it’s finally showing since we’ve waited for this moment for so long. Sobrang excited din ako. Sabik akong malaman kung ano ang iniisip ng mga tao," sabi niya.

Sa kabilang banda, sinabi ni Jane Oineza na gumaganap bilang isang ahente mula sa PIB na siyang namamahala sa kaso ng Cattleya Killer, na hindi na siya makapaghintay na panoorin ang premiere ng serye sa Prime Video.

Ang seryeng "Cattleya Killer" ay may anim na episodes na halaw mula sa 1996 na pelikula ng Star Cinema na “Sa Aking Mga Kamay.” Nagsimula ang kwento nang makita ang bangkay ng isang dalaga na may bulaklak na Cattleya, ang signature style ng kilalang serial killer sa Maynila na tinaguriang 'Cattleya Killer.' Habang nag-iimbestiga ang puwersa ng pulisya, naging pangunahing suspek ang ahente na si Anton dela Rosa (Arjo Atayde), anak ni Joven Dela Rosa (Christopher de Leon) - ang pulis na nagresolba sa kaso tatlong dekada na ang nakalilipas.

Kasama rin sa cast ng "Cattleya Killer" sina Zsa Zsa Padilla, Jake Cuenca,  Ricky Davao, Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, Jojit Lorenzo, Rafa Siguion-Reyna, Frances Makil-Ignacio, Lito Pimentel, at iba pa.

Huwag palampasin ang kapanapanabik na istorya ni Anton dela Rosa. I-stream ang “Cattleya Killer” sa primevideo.com o Prime Video app.

Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE